Saturday , November 23 2024

Mga pambatong programa ng 8TriMedia Broadcasting sa Radio DWBL-1242 khz

00 Kalampag percyHUMATAW na nitong Lunes ang mga pambatong programa ng 8TriMedia Broadcasting na mapapakinggan araw-araw.

Nag-aanyaya po kami na inyong subaybayan ang mga sumusunod na palatuntunan na mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes sa Radio DWBL (1242 Khz), ang himpilan ng serbisyo-publiko:

“HATAW SA BALITA AT KOMENTARYO” nina Jerry Yap at Percy Lapid, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas at Atong Ma (9:00 am – 10:00 am);

“KALUSUGAN AY KAYAMANAN” sa pangunguna ni Dr. Rey Salinel, Jr., kasama ang mga batikang manggagamot (10:00 am-11:00 am);

“KATAPAT AT KARANCHO SA RADYO” ni Manila Mayor Alfredo Lim at Migs Gil (11:00 am-12:00nn);

“BALITA SA TANGHALI” ni Migs Gil (12:00pm-12:30pm);

“TANONG KO, SAGUTIN MO” nina Shalala at Mark Canlas (12:30 pm-1:00 pm);

“PAG-IBIG, MUSIKA AT IBA PA” ng mga batikan at premyadong mang-aawit na sina Lloyd Umali at Ima Castro (1:00 pm-2:00 pm); at

“SHOWBIZ GALORE” nina Rodel Fernando at Pelita Peralta Uy (5:00 pm-6:00 pm).

Ang mga nabanggit na programa ay sabayang mapapakinggan at mapapanood worldwide via live streaming sa http://www.ustream.tv/channel/8trimedia at maaring sundan sa Twitter @8trimedia at sa Instagram @8trimediabroadcastingnetwork.

Para sa anomang sumbong at reaksiyon, tumawag sa Tel. Nos. 412-0288 at mag-text sa 09773421644.

“Bitter” ang mga Binay kay Kid Peña

KALIWA’T kanang batikos ang inaabot ni Makati City Mayor Kid sa mga Binay. Halata naman na bukod sa “bitter” sila sa pagbaba sa puwesto ni Jun-jun Binay bilang alkalde.

Gusto ng mga Binay na sirain ang diskarte ni Peña, pero mukhang hindi ito tumatalab.

Sinuspinde ni Peña ang sister-cities program ng Makati City na ginagamit na behikulo ni VP Binay para mangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa na natutulungan kuno ng programa.

“Charity begins at home,” ‘ika nga, kaya tama ang pasya ni Pena na unahing tulungan ang mga maralita sa kanilang siyudad kaysa gamitin ang budget ng lungsod sa pamomolitika.

Aba’y kung hindi pa naupo si Peña ay hindi malalaman ng publiko ang nakalululang karangyaan sa tanggapan ng mga Binay sa Makati City Hall na animo’y five-star hotel.

Paano kaya naatim ng mga Binay na mamuhay sa karangyaan gayong naglipana ang mga iskuwater sa lungsod na hiyang-hiya pa na tumapak sa kanilang magarbong opisina tuwing hihingi ng ‘limos’ sa kanilang alkalde?

Natataranta ngayon ang mga Binay dahil ipinakikita ni Peña ang realidad sa Makati City.

Lalo na ang pagpayag ni Peña na mangalap ng mga ebidensiya ang gobyerno sa mga katiwalian sa lungsod na kinasasangkutan ng mga Binay.

Ngayon pa lang ay takot na takot ang mga Binay sa naipon nilang mga ‘multo’ sa siyudad sa nakalipas na 29 na taon.

Pero hindi dapat maging kampante si Peña dahil walang mabuting iniisip ang isang taong desperadong makaligtas sa bilangguan  at maging pangulo ng bansa.

Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ni Jun-jun na sa ayaw at sa gusto ng kanilang mga kritiko ay magiging presidente ang kanyang tatay?

Dahil VP si Jejomar Binay, puwede siyang maging pangulo kapag namatay o pinatalsik sa puwesto si PNoy bago mag- eleksyon sa susunod na taon.

Nagpapahiwatig ba si Jun-jun na baka may masamang mangyari kay PNoy bago ang 2016 polls?

Mayweather-Pacquiao rematch, possible?

SISIGLA na naman ang ekonomiya ng Las Vegas dahil sa posibilidad na magbakbakan muli sina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao.

Ito’y matapos hubaran si Mayweather ng kanyang welterweight title ng World Boxing Organization (WBO) matapos hindi makagbayad ng $200,000 sanctioning fee para sa naging laban nila ni Pacquiao at hindi niya binakante ang junior middleweight title.

May dalawang linggo pa naman para umapela si Mayweather.

Sakaling magsagupa muli sina Mayweather at Pacquiao, maraming Pinoy ang pupusta para sa Amerikanong boksingero dahil sa labis na pagkadesmaya sa pagkampi ni Pambansang Kamao kay Vice President Jejomar Binay.

Hindi nila akalain na si Binay ang napiling pa-nigan ni Pacquiao kahit nahaharap sa mga kasong plunder at mismong mga institusyon ng gobyerno ay may mga ebidensiya ng multi-bilyong pisong ill-gotten-wealth nito.

Magtataka pa ba tayo sakaling walang maaninag na prinsipyo kay Pacquiao na isang political butterfly, dating miyembro ng Liberal Party ni PNoy, Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar at PDP-Laban ni Sen. Pimentel at ngayo’y UNA naman ni Binay.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *