Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino si Ronald ‘Abu’ Sanchez na isang hao-shao sa BOC?

00 parehas jimmyISANG super milyonaryong hao-shao ang iniimbestahan ngayon dahil sa mga reklamo ng importer at broker sa NBI.

Si Abu ay isang scanner sa BOC-IG na nadiskubre mismo ni IG special assistant Major Cabading na maraming bank accounts sa iba’t ibang banko at may mga report na sa TV, Radyo at pahayagan na maraming ari-arian sa Pangasinan at Marilao.

Linggo-linggo ay nagliliwaliw pa umano sa mga Asian countries kasama ang pamilya niya.

Si Ronald ‘Abu’ Sanchez ay nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso sa Ombudsman at mukhang kukumpiskahin pa ng AMLAC ang mga nakulimbat niya sa Customs.

Sigurado hindi siya makawawala sa NBI Deputy Director for investigation na si Atty. Jun  de Guzman.

Ang estimate value ng pera niya ay P150 milyon.

Ayon sa source, meron pa siyang beach resort farm sa Batangas at mga coliseum ng manok.

Mga matataas na pangalan na mga sabungero ang nakahahalubilo niya, sabi ng isang General na nakausap ko.

Nilansi niya nang husto ang tiwalang ibinigay ni BOC IG DepComm ret. Gen. Jessie Dellosa kaya  dapat lang managot at makulong siya.

Ang panawagan natin ngayon, bilisan ang imbestigasyon sa kanya bago pa tumakas palabas ng bansa.

***

Masigasig at masipag pa rin si Customs Comm. Bert Lina, kamakailan ay nag-attend pa siya ng Philippine Exporter Association.

Workaholic talaga siya at marami siyang narinig na  problema ng mga exporter at iyon ay kanyang bibigyan solusyon.

‘Yan ang magandang commissioner ‘di naninira gaya ni Sevilla na over acting na, traidor pa. Si Lina palibhasa’y maka-Diyos kaya wala kang maririnig sa kanya na negatibo. Siya’y nagtatrabho lang para sa bayan at hindi na niya pinapansin ang mga intriga at bumabatikos sa kanya.  Mabait siya pero mahirap siyang kalabanin dahil sa tagal niya sa business ay hindi basta-basta malaloko at mapapaniwala. Ganyan ang mga Dizon. Si Comm. Lina ay Dizon sa kanyang nanay na taga-Concepcion, Tarlac. Ang tatay ko naman ay Dizon ang apelyido dahil ang nanay niya ay mula sa Tarlac, Tarlac. May lahing kastila ang mga Dizon.

Pero ‘di ko ho sinasabi na kamag-anak ko si Comm. Lina, maliwanag po ‘yan.

Mabuhay ka Comm. Bert Lina! Keep up the good work! God bless us all.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …