Friday , November 22 2024

Ejercito, Gomez at Zamora labo-labo na sa San Juan City?

00 pulis joeyDAHIL sa ambisyon na kopohin ang political power sa San Juan City, mukhang magaganap na ang pakakasira ng mga Ejercito (Estrada), Gomez at Zamora sa lungsod na kinakitaan ng malakas at matatag na alyansa ng dalawang angkan.

Mukhang hindi na nakayanan ni San Juan Vice Mayor Francis Zamora at ng kanilang pamilya ang naririnig nilang plano ng mga Ejercito (Estrada) at Gomez kung paano aangkinin ‘este hahatiin ang San Juan sa kanilang angkan.

Naulinigan daw kasi ni VM Francis na nagpulong na sina Mayor Guia Gomez, ang matandang Estrada at anak na si Jinggoy sa Camp Crame.

Sa Camp Crame umano niluto kung paanong pananatilihin ang 46-taon paghahari ng mga Estrada at Gomez sa San Juan.

Grabe ha!?

Kahit wala pang announcement ay kalat na kalat na umano sa San Juan na tatakbong muli ang 73-anyos na si Gomez, habang ang anak ni Jinggoy na si Councilor Janella Estrada ay tatakbong vice mayor at ang asawang si Precy ay tatakbong kongresista.

‘Yan daw siguro ang kahulugan ng pahayag ni Sen. JV Ejercito na siya at ang kanyang ‘estranged’ brother na si Jinggoy ay malapit nang magkasundo alang-alang sa isang strategic alliance para sa San Juan local elections.

Tsk tsk tsk…

Wala na ba talagang satisfaction ang extended clan pagdating sa kapangyarihang pampolitika?

Hindi ba sila napapagod sa ‘paglilingkod’ sa kanilang constituents!?

‘E tigas pang ipinagmamalaki ni Sen. JV na siya raw ang author ng anti-political dynasty bill sa Senado kaya imposible raw na magtayo sila ng dinastiya sa San Juan…

(E 46 taon na nga kayong namamayagpag d’yan sa San Juan ‘di ba?)

What the fact!?

Pero ayon kay Sen. JV, si VM Zamora raw ang nagpapahayag na tatapatan niya si Madam Guia sa 2016 elections.

At ito raw ay inililihim pa ng mga Zamora?!

OMG! 

Ibig bang sabihin nito ay maghahalo na ang balat sa tinalupan sa San Juan?!

Ito na ba ang hudyat ng digmaan sa politika sa San Juan?

Mantakin ninyo, kopong-kopo na ang San Juan, pati Maynila ay dinayo pa?

Subukan n’yo naman tumakbo sa Quezon City o kaya sa Pasay city naman?

Totoo talaga ang kasabihang, ang politika ay showbiz na showbiz talaga, walang permanenteng kaaway… at higit sa lahat huwag din magtiwala sa kaibigan.

Hik hik hik…  

Impeach Binay puede pero huwag na…

MAY nabasa akong artikulo sa isang website na planong sampahan ng impeachment si Vice President Jojo Binay.

Pero pinabulaanan agad ito ni House Speaker Sonny Belmonte. Wala naman daw ganoong pagkilos na nangyayari sa Kamara.

Pero kung tutuusin, sa dami ng ebidensiya ng katiwalian na magdidiin kay VP Binay, malakas talaga ang posibilidad na ma-impeach siya.

E kung si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona nga, SALN lang ang naging problema, na-impeach na, si VP Binay pa kaya na malinaw pa sa sikat ng araw ang mga nakalatag na ebidensiya na ayaw niyang sagutin o harapin sa imbestigasyon?

Ang problema lang sa Kamara, numbers game din ang labanan. Pero sa nangyayaring pabagsak ang ratings ni VP Binay sa mga survey, malamang tumalikod na sa kanya ang kanyang mga kaalyado at mamayani ang konsensiya ng katotohanan.

Dahil kapag nakalusot sa House ang impeachment, tiyak mabilis pa sa alas-kuwatro na masesentensiyahan sa Senado. Dahil marami sa Senador ang naniniwala na nagbulsa nga ng bilyones si Binay noong alkalde pa ng Makati City, ayon sa mga lumabas na ebidensya sa mga imbestigasyon ng Senado, Commission on Audit (CoA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Pero gahol na rin ang panahon para isulong ang impeachment laban kay VP Binay dahil tatlong buwan na lang ay filing na ng candidacy ng mga kandidato sa 2016. Tiyak ang mga kongresista ay magiging abala na sa kanya-kanyang pangangampanya sa kanilang lugar.

Gayon din naman ang mga senador.

Kaya makabubuti na ‘wag na lang sampahan ng impeachment si VP Binay. Tutal nasampahan na rin naman siya ng kaso sa Ombudsman.

At ipaubaya na lang sa taong bayan ang desisyon sa pagtakbo niyang pangulo.

Anong say n’yo, mga ‘igan?

P70-M ang pag-ban sa DMCI sa Romblon?

Isang malapit na kaibigan na dikit sa opisyal ng Sun West Corporation (SWECO) ang nagkuwento sa akin na kinikilan ng P70-M ng isang kilalang politiko ang SWECO para maibigay dito ang pamamahala sa koryente sa Romblon.

At ito rin umano ang dahilan para ma-”persona non grata” ang DMCI sa Romblon.

Ang SWECO at DMCI ang naglaban sa bidding para makuha ang negosyo ng koryente sa Romblon na hawak ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).

Nanalo raw sa bidding ang SWECO. (Nanalo ba talaga o nagkaroon ng P20-M under the table, Mr. ‘este Ms. Politician?)

At kaya pinagbawalan nang pumasok sa Romblon ang DMCI ay dahil sinasabotahe raw nito ang operasyon ng SWECO.

Pero, mga ‘igan, matapos na mawala sa piktyur ang DMCI, hanggang ngayon ay dumaranas pa rin ng brownout ang aking mga kababayan sa Tablas. Apat na beses daw kada araw! Yawa!!!

Paano ngayon ‘yan, Mr. este Ms. Politician?

At ‘yung mga alkalde na pumirma para maging persona non grata ang DMCI sa Tablas, naambunan rin ba kayo ng P20M o P70-M na sinasabing isinuka ng SWECO para makopo ang negosyo sa TIELCO?

Ito’y kung totoo lang naman ang sinasabi ng kaibigan ko na naghatag ng P70-M ang isang opisyal ng SWECO  kay Mr. este Ms. Politician para masipa ang DMCI.

Kalkalin!

Comelec sa Manila kastigohin!

Buwisit na buwisit na ako rito sa Comelec-Manila. Ilang beses na akong pumunta sa kanilang tanggapan sa Arroceros para magpa-biometric ID. Pero tuwing punta ko ay sasabihin doon sira ang kanilang camera, balik na lang sa sunod na raw. Pagbalik ko, sasabihin naman, wala ang tao na assign sa biotmetric. Pagbalik ko ng sumunod na araw, hindi na raw sila nagba-biometric doon. Hintayin na lang daw ang kanilang mga tao na nagsasagawa ng registration at biometric sa bawat barangay. Hintayin ko raw ang schedule kung kailan ito gagawin sa aming barangay!

Letse!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *