Sunday , December 22 2024

MBA kailangan sa CHR positions!?

CHRMAHIGIT 50 daw ang aplikante sa pagiging commissioner ng Commission on Human Rights (CHR) at ang mapalad na naitalaga bilang bilang bagong CHR chairman ay si Comm. Chito Gascon dating spokesman ng Liberal Party.

Isa sa kandidato ang kapatid ni Sen. Koko  Pimentel na dating kumandidatong Senadora na si Gwen, si Leah Armamento na classmate ni Executive Secretary Jojo Ochoa at ang huli ay si Katrina Dumpit isang insider pero naintriga sa loob ng CHR dahil sa mga kuwestiyonableng biyahe umano sa labas ng bansa na hindi pa naiimbestigahan ng Commission on Audit.

Marami ang nagtatanong kung bakit itinaon na recess ang Congress nang pirmahan ng Presidente ang appointment ni Gascon.

Malinaw pa raw sa sikat ng araw na may politika sa pagkakatalaga sa kanya.

Ang isang posisyon na bakante ay parang parlor game na Trip to Jerusalem, nagkukumahog ngayon ang maraming aplikante sa isang natitirang upuan para mabuo ang board of commissioners sa CHR.

Lahat ng patron na Congressman at Senador, mga dikit sa Palasyo, may call-a-friend kay Pnoy.

Isang lumutang na nagkukumahog at interesado sa natitirang puwesto ang anak ni FVR.

Malakas ang ugong na dinadala nito ang pagiging anak ni Tabako.  Walang kuwestiyon kung  kuwalipikado, pero maraming human rights NGO ang napakunot ng noo.

Kailan ba matatapos sa bansa natin ang palakasan sa pagtatalaga sa mga sensitibong posisyon sa ating pamahalaan?

Akala natin ay natuldukan na ang ganitong sistema sa daang matuwid. 

Kailangan pa rin pala ng MBA sa gobyernong ito!?

MBA as in May Backer Ako!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *