TINUTULAN ni Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region ang kanilang probinsya.
Sa inilabas na pahayag ni Pacquiao, sinabi niyang hindi na kailangang isama ang Sarangani sa mga lugar na may isinusulong na kapayapaan dahil tahimik at maayos na ngayon ang kanilang probinsya.
Lumabas ang reaksyon ng Sarangani solon makaraan sabihin ng ilang eksperto na maaaring masakop ng Bangsamoro ang mga karatig na lalawigan sa mga darating na panahon.
Gayonman, nilinaw ng mambabatas na hindi siya kontra sa usapang pangkapayapaan.
Kaisa aniya siya ng mga mamamayan ng Mindanao sa paghahangad ng pangmatagalang kaayusan sa kanilang rehiyon.
“I recognize the need to pass a law that will govern the area to ensure lasting peace and order which are the keys to economic prosperity and development in the region and throughout Mindanao,” wika ni Pacquiao