Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkukulang ni Rex

EDITORIAL logoHINDI sana namatay ang 72 manggagawa ng Kentex kung sa simula pa lang ng panunungkulan ni Mayor Rex Gatchalian, ipinatupad na niya ang inspeksyon sa lahat ng pabrika sa lungsod ng Valenzuela.

Ngayon, nagkukumahog si Rex sa pagsasagawa ng inpection sa mahigit 1,500 pabrika para masiguro ang usapin sa occupational health and safety, kaayusan at katatagan ng gusali,  kaligtasan sa sunog at pagkakaroon ng kaukulang business permit.

Bagamat positibo ang ganitong aksiyon ni Rex, hindi maitatanggi na malaki ang pagkukulang ng local government ng Valenzuela City sa usapin ng pagbibigay ng business permit sa mga negosyo lalo nang mapag-alamang walang Fire Safety Inspection Clearance ang Kentex.

Isa sa rekesitos ang pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Clearance bago mabigyan ng business permit ang isang negosyo.

At hindi rin makatatakas sa responsibilidad si Rex sa usapin ng mababang pasahod ng mga manggagawa  sa Kentex. Sa ilalim kasi ng Worker’s Affairs Office ng pamahalaan ng Valenzuela City, tinitiyak ng tanggapang ito na magiging maayos ang relasyon ng labor at management lalo ang usapin ng tamang pasahod.

Magkagayonman, saludo pa rin tayo kay Rex.  Meron ngang kasabihan… “Huli man daw at magaling, huli pa rin!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …