Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karma kay Chiz

EDITORIAL logo“Ang kayabangan mo, ang sisira sa ‘yo!”

Ito marahil ang nangyari kay Sen. Chiz Escudero. Ang dating sikat-na-sikat na mambabatas na minsang inihambing sa singer na si Bamboo, ngayon ay isang “palo-tsina” na lang.

Kung titingan ang political career ni Chiz, talagang nakapanghihinayang. Minsan na rin inakala ng marami na sa madaling panahon, si Chiz, ay tiyak na magiging magaling na presidente ng Pilipinas.

Pero sa gitna ng katanyagan, unti-unting nawala ang ningning ni Chiz. Marami ang nagulat nang kumalat ang isyu sa pagiging bastos, walang respeto sa matatanda ni Chiz. At kapani-paniwala ito dahil mismo ang nanay ng kanyang maganda at artistang kabiyak ang nag-akusa kay Chiz.

Dito nagsimulang maging unpopular si Chiz. Noong nakaraang 2013 senatorial race, imbes maging number one, pumangatlo na lamang si Chiz.  At ngayon, sa gitna nang lumulutang na pangalan ng mga presidentiable,  patuloy na nangangamote si Chiz sa mga survey.

Sayang, parang tumutula pa naman kapag nasa harap ng media si Chiz. Mahihiya sa kanya si Francisco Balagtas. Pero hindi pa huli ang lahat kay Chiz, puwede pa naman niyang pasukin ang career sa showbiz, at makipagsabayan kina Piolo Pacual, Dingdong Dantes, Jericho Rosales at Jose Manalo. 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …