Tuesday , November 19 2024

UMak College of Nursing building overpriced din ng P579.4-M?!

UMak overpricedMUKHANG malapit nang tanghalin na ‘hari ng overpriced’ si Vice President Jejomar Binay.

Heto na naman, nabunyag na naman sa Senate Blue Ribbon Committee ang isa pang proyektong grabe ang overpricing.

‘Yan po ‘yung gusali ng University of Makati – College of Nursing (UMak).

Batay umano sa kuwentada ni Atty. Renato Bondal, hindi kukulangin sa P579.5 milyones ang overpriced sa nasabing  gusali.

Ang apat na palapag sa 12-storey College of Nursing building ay pawang parking area habang silid at auditorium naman ang iba pa.

Naniniwala si Bondal na hindi dapat pareho ang pagkuwenta para sa parking area, roof deck at silid-aralan. 

Sa unang hearing nitong nagdaang linggo, sinabing aabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng gusali.

Pero as usual, hindi na naman daw dumaan sa tamang proseso ang proyekto at tulad ng Makati City Hall building II, “bidding-bidding-an” ang nangyari sa kontrata nito.

S’yempre ang paboritong Hilmarc’s Construction din ang pinaborang kontratista sa naturang gusali.

Hindi lang umano sa building, patuloy din umano ang pagkita ni Binay sa College of Nursing sa pamamagitan ng tax dividend mula sa Philippine Healthcare Educators, Inc. (PHEI) na itinalagang mag-manage at maningil ng tuition sa kolehiyo. 

 Nanunungkulang chairman ng Philippine Health Educators Inc., ang isang Dr. Jack Arroyo, na sinasabing dummy ni Binay.

Ang PHEI ang namamahala sa kursong nursing ng UMak.

Bukod pa ito sa Joint Agreement ng University of Makati at STI para sa paglulunsad ng College of Nursing.

Wala rin umanong public bidding sa pagpili ng UMAK sa STI kundi direkta lamang itong pinili.

At kahit walang inaprubahan at iginawad na awtorisasyon ang Makati Council sa UMAK, lumagda ito sa Memorandum of Agreement sa STI para ibigay sa Philippine Health Educators Incorporated o PHEI, ang pamamahala sa Colege of Nursing sa UMAK.

Ang sharing umano ng kita sa College of Nursing, ay 40 percent ang napupunta sa UMak, 40 percent sa STI at 20 Percent ang napupunta sa PHEI ni Dr. Arroyo.

Tsk tsk tsk…

Sa dami ng naglulutangang OVERPRICED issue, dapat pa kayang magtiwala ang sambayanan sa mga Binay?!

Bayan, kayo na po ang bahalang humatol. 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *