Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyo o totoong giyera… ‘e ang DOLE kailan?

00 aksyon almarTOTOO nga ba ang napaulat na magsasagawa na ng crackdown ang Department of  Environment and Natural Resources (DENR) laban sa mga establisimiyento (hotels/restaurants/resort/bars) sa Boracay na pinapaagos (itinatapon) nila sa shoreline ang kanilang “waste water?”

Ewan ko ha, sorry po sa pamunuan ng DENR kung tila kaduda-duda ang inyong kampanya. Kasi naman po, hindi na bago ang kampanya laban sa mga ganitong uring establisimiyento. Tama!?

At iyan ay hindi lingid sa kaalaman ng ahensiya. Tama! Kung ilan beses na kasi ang kampanya. Hindi ko na po ito mabilang at sa halip, parati na lamang mayroon giyera laban sa mga ‘dugyot’ na establisimiyento sa Boracay. Pero, bakit mayroon pa rin nakalulusot. Bakit nga ba? Oo nga naman ano, bakit nga ba? Hindi kaya, iyong mga ‘umayos’ sa mga DENR inspector noon ay tinabla na ngayon ang ilan delinkuwenteng resorts etc.?

Ops, nagtatanong lang po tayo at hindi nag-aakusa. Bukod sa, iyon lang naman ay kung mayroon mga ‘dugyot’ na umayos sa DENR inspectors noon. He he he… pero  wala naman siguro umayos dahil, iba ang DENR. Hindi nakukuha sa lagay o under the table. Tama ba!?

Sige na nga kung iyan ang sabi ng DENR este, pagkakaalam pala ng nakararami na hindi nalalagyan ang DENR. Ngayon, nagpalabas na naman ang DENR ng kampanya. Mukhang seryoso na ang ahensiya. Naku po, paktay kayong mga dugyot na establisimiyento diyan sa Boracay. Bilang na ang araw ninyo.

Oo seryoso ang DENR para mapanatiling malinis ang Boracay na kilalang tourist destination hindi lamang ng mga Pinoy kundi maging ng mga taga-ibang bansa. Nakita naman natin, kahit na tag-ulan ay dinarayo pa rin ng taga-ibang bansa ang Boracay. Katunayan, malamang puno na  ang “reservation” para sa mga hotel etc., sa Boracay ngayon hanggang sa  last quarter ng 2015 o hanggang 2016. Ganoon kakilala ang Boracay.

Pero kung ito naman ay sisirain ng mga ‘dugyot,’ sayang… masasayang ang ganda ng Boracay. Pero ano pa man, kahit na mayroon pa rin mga establisimiyento na walang sariling sewage treatment plant at ‘pailalim’ na itinatapon ang kanilang waste water sa shoreline, maikokonsidera pa ring ligtas ang karagatan ng Boracay – puwedeng-puwede pa rin lumangoy dito.

Kaya lang, hihintayin na lamang ba natin na tuluyang hindi na pakinabangan ang Boracay? Huwag naman. Kaya tama ang kampanya ng DENR. Suportado natin ‘yan!

Lamang, hindi kaya “negosyo” ang nasa likod ng kampanya ng DENR? Nagtatanong lang po tayo ha,  at hindi nag-aakusa. Napaulat lang naman na ang mahuhuling walang sapat na tapunan ng waste water o walang sariling sewage  treatment plan ay kinakailangan magpakabit, inuulit ko, MAGPAKABIT sa island’s sewer lines. Ang island sewer line lang naman sa Boracay ang pinatatakbo ng Boracay Island Water Co., na isang joint venture ng Ayala-led Manila Water and Tourism Infrastructure and Enterprises Zone Authority.

So, wala kayang kinalaman ang sewer line sa crackdown ng DENR? Nagtatanong lang po tayo ha at hindi nag-aakusa. Ano sa tingin ninyo? Wala naman siguro, kasi nais lang naman ng dalawang partido na mapanatili ang kalinisan ng Boracay. Oo naman siyempre. Ayos ‘yan! Lamang, sana’y hindi moro-moro ang kampanya ng DENR.

***

Ops, mabuti naman at may hakbangin na ang DENR laban sa mga ‘dugyot’ na establisimiyento sa Boracay. Oo, e ang Department of Labor and Employment (DOLE) mayroon na ba? Maraming manggagawa sa Boracay na hindi tumatanggap ng sapat na sahod o iyong sinasabing wala pa sa minimum ang kanilang suweldo. Batid po natin ito dahil noon ay may isang grupo ng manggagawa dito na ating  natulungan. Naipanalo naman po nila ang kaso. Maraming kilalang resorts, restaurant, at hotels dito na masyadong kinakawawa nila sa pasahod ang kanilang mga manggagawa.  Ito ang dapat na boluntaryong imbestigahan ng DOLE.

Abangan!    

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …