Sunday , May 19 2024

Palayasin ang bastos na Thai

00 bullseye batuigasDAPAT lang palayasin ang damuhong taga-Thailand na bumastos at nang-insulto sa lahi nating mga Pilipino sa kanyang mga inilagay sa kanyang Facebook page kamakailan.

Tinutukoy natin ang hinayupak na si Prasertsri Kosin na gumagamit ng alyas na “Koko Narak” sa social media. Mantakin ninyong tinawag niya tayong mga Pilipino na “pignoys,” “low-class slum slaves,”  “stupid creatures,” “wriggling cockroaches,” at “useless race in the world.”

Kung hindi ba naman sagad sa kawalanghiyaan ang hayup na ito, akalain ninyong nagawa niyang insultuhin ang lahi ng mga Pinoy samantala dito siya nagtatrabaho sa ating bansa. Kaya tama lang na sinibak siya noong Lunes sa pinapasukang Cognizant Technology Solutions Philippines Inc., isang tanggapan ng call center sa Taguig.

Matapos anihin ang galit ng sambayanan at malaman na ipinade-deport siya ng Bureau of  Immigration dahil sa kanyang pang-iinsulto ay sumuko ang damuhong Thai sa mga awtoridad nitong Martes. Na-detain siya sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Isinuko raw niya ang sarili matapos makatanggap ng mga pagbabanta bunga ng pang-iinsulto na kanyang ginawa. Natural lang na pagbantaan siya dahil na rin sa kanyang kawalanghiyaan.

Masuwerte pa nga ang impakto dahil kung natiyempohan siya ng mga halang ang bituka ay tiyak na may paglalagyan siya. Sana ay sinubukan niyang ipagsigawan ang mga pang-iinsultong iyon sa mga Pilipino sa gitna ng Baseco o kaya ay sa Tondo, at makikita niya ang hinahanap niya.

Sa totoo lang, nakita ko ang hitsura ng gago sa TV at mukhang mas malinis pa sa kanya ang mga mandurukot sa Quiapo. Ang hahaba ng kuko na parang pagkadumi-dumi at baboy siya sa katawan. Sa kabila nito ay nagawa pa niya tayong insultuhin.

Pinili ng naturang Thai na mag-voluntary deportation kaya lumalabas na inaamin niya ang deportation charge na isinampa ng BI. Bunga nito ay mas mapadadali ang pagsasaayos ng mga papeles sa kanyang deportasyon at ilalagay na sa “blacklist.”

Oo nga’t may umiiral tayong demokrasya pero hindi ito puwedeng abusuhin ng mga damuhong dayuhan na nagtatrabaho rito sa bansa para insultuhin ang ating lahi.

Sa isang liham ay humingi siya ng paumanhin sa mga Pinoy nang dahil sa kanyang mga nasabi. Akalain ninyong matapos ang nakaha-high blood niyang pang-iinsulto, mga mare at pare ko, ay sinabi niya sa liham na mahal daw niya ang ating bansa at tayong mga Pinoy. At humirit pa ang damuho na sana ay makabalik daw siyang muli sa Pilipinas.

Kagaguhan!

***

PUNA: “Sana ipalit ulo ’yong pahamak na illegal recruiter na nagpadala ng droga kay Veloso.

‘Yong recruiter ang ibigay at ipabitay sa Indonesia para madala ang mga sindikato na ito!”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *