Thursday , December 26 2024

Mga kolektong ng SPD ni Gen.Ranola

00 rex target logoSANGKATERBA raw umano ang umiikot at nagpapakilalang kolektor ng tong (intelihensiya) diyan sa AOR ni General Henry Ranola ng Southern Police District Office (SPDO).

Pinamumunuan ito ng isang matikas na lespu na kilala sa bansag na TRAJANO. May direktang basbas umano kay General Ranola at maging kay DILG Secretary Mar Roxas ang katarantaduhang pinaggagagawa ng mga kolokoy.

Mabigat ang mga pangalang ‘bitbit’ ng grupong ito ni TRAJANO na ang mga asong-gala na ginagamit sa pangongotong ay sina ROK SEMILIA, REY BOKBOKNARIO, FELIX ‘SALVAGE’CRUTO  at JERRY ‘BANGKAY’ SALUSTIANO.

Paboritong orbitan ng grupo ang mga bahay-putahan, night clubs na may bold shows, sugalan at siyempre pa, yaong mga bagsakan ng ilegal na droga.

Sa panayam natin kay NCRPO Director Carmelo Valmoria sa ating  radio program na TARGET ON AIR, galit na galit ang hepe ng NCRPO nang mabatid ang mga kalokohan ng grupo at tiniyak na hindi niya (Valmoria) palalampasin ang mga maling gawain ng ilang pulis.

Siniguro rin ni Gen. Valmoria na walang katotohanan ang isyu tungkol sa paggamit sa pangalan ni Secretary Roxas dahil galit na galit sa ganitong lihis na gawain ang Kalihim ng DILG.

Personal umanong ipamo-monior ni Director Valmoria ang ilegal na aktibidad ng grupo ni TRAJANO na isinasangkot sa tong collection racket.

“No one is above the law lalo na ang mga miyembro ng PNP na gumagawa nang ilegal,” pahayag ni Valmoria.

Kung kailangang ipahuli sila, kasuhan at  itiwalag sa serbisyo ay gagawin ni Director Valmoria kapag napatunayang involve ang grupo sa pangongolekta ng payola.

Nagbabala rin si Valmoria sa mga ilegalistang nagbibigay ng payola sa grupo upang mabigyan ng police protection ang kanilang mga ilegal na gawain na mauuwi lamang sa wala ang kanilang ibinibigay dahil huhulihin din sila ng PNP.

“Ang bawal ay bawal at ang pulisya natin kailanman ay hindi nagpapagamit sa mga ilegalista kapalit ng kuwarta,” pagdidiin pa ng hepe ng NCRPO.

MRF sa  SUCAT at Brgy. Poblacion sa Muntinlupa, malaking tulong sa mga residente

Sa Live interview sa TARGET ON AIR sa DWAD  ng inyong abang-lingkod sa mabunying alkalde ng Muntinlupa City na si Hon. Jaime Fresnedi, naibahagi ng alkalde ang paglalagay ng Material Recovery Facility (MRF) sa dalawang barangay ng kanyang lungsod.

Sistema ito ng  pagre-recycle ng mga basura upang muling mapakinabangan. Hindi lamang ito magbabawas ng volume ng mga basura sa Muntinlupa patungong dumpsite kundi magbibigay din ito ng livelihood sa mga residente ng dalawang barangay.

Ibig sabihin, karagdagang hanapbuhay sa mga mamamayan ng dalawang barangay. Kapuri-puri ang inisyatibang ito ni Mayor Fresdeni na binansagan nating henyo in his own right.

Ginagawa kasi ng alkalde ang lahat para sa ikabubuti ng mamamayan at ikauunlad ng ekonomiya ng siyudad.

Isa lamang ang MRF sa mga kapakipakinabang na proyektong inilunsad ni Mayor Fresnedi sa Muntinlupa.

Mabuhay ka Yorme and keep up the good work and the fast pace towards progress!

Mabuhay ang Muntinlupa City!

 

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *