Tuesday , November 19 2024

Nilulumot na ang Boracay

BORACAY LUMOTNAGBABANTANG masalaula nang tuluyan ang ‘paraisong’ dinarayo at itinuturing na isa sa mga No. 1 destination ng mga turista — ang isla ng Boracay.

Huwag na kayong magtaka kung  isang araw ay magising na lang ang mga taga-Boracay na masangsang ang amoy ng karagatan at biglang maglutangan ang mga basurang ibinaon sa buhanginan.

‘Yan ay dahil walang maayos na sewerage  system sa buong isla gayong maya’t maya ay tayuan-tayuan ng mga estrutuka gaya ng hotel, resort, restaurant, entertainment bar at iba pa.

S’yempre kung ganyan na karami ang tao sa islang ‘yan, ang unang itatanong natin, saan napupunta ang human waste at ang iba pang basura?!

‘Yan ang numero unong problema ngayon ng Boracay.

Pansinin ang kulay ng dagat ngayon sa Boracay. Nasubukan na rin ba ninyong amuyin? Kung magaling din kayong mag-obserba, mapapansin rin ninyo ang paglutang ng lumot sa dagat. ‘Yan po ang Boracay ngayon.

Pero palagay natin ay may solusyon naman d’yan kung aayusin lang ng local government unit (LGU) ang sewerage system sa buong isla.

At dapat ay maging mahigpit ang Department of Natural Resources and Environment (DENR), ang LGU at iba pang sangkot na ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagbibigay ng permit lalo na kung walang malinaw na plano sa kanilang sewerage system.

Sa kasalukuyan, nakalulula ang bilang mga estrukturang itinatayo sa nasabing isla gaya ng mga hotrl, resort, commercial center  at iba pa.

Kung hindi makikinig, hindi pagtutuunan ng pansin at sosolusyonan ng DENR, LGU at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang problemang, huwag na tayong magtaka kung isang araw ay magising na lang ang buong bansa na ang Boracay ay isa nang “no man’s land” dahil isa na itong isla ng basura.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *