Paano natalo si Pacquiao kay Mayweather?
hataw tabloid
May 4, 2015
Opinion
“BOOO!”
Ito ang inabot ni Floyd Mayweather Jr., mula sa mga ‘miron’ sa loob ng MGM Grand Arena nang ipahayag ng ring announcer at itaas ng reperi ang kanyang kamay na nanalo ng una-nimous laban kay Manny Pacquiao.
Sa paniwala ng marami ay panalo si Pacquiao sa laban.
Si Pacquiao mismo ay naniniwala na siya ang panalo. Wala naman aniyang ginawa si Mayweather kundi ang tumakbo at mag-cover ng mukha at katawan habang pinauulanan niya ng malalakas na suntok.
Ang tingin ko rin sa laban ay napanalunan ni Pacquiao ang pitong rounds, habang lima lang ang kay Mayweather.
Pero sa score cards ng tatlong judges, si Mayweather ay nanalo via unanimous decision: 118-110 at dalawang 116-112.
Sa interview kay Mayweather, pinuri niya nang todo todo si Pacquiao: “He’s a hell of a fighter, I take my hat off to Manny Pacquiao.”
Paano nga ba nanalo si Mayweather sa patakbo-takbo at payakap-yakap niyang estilo?
Simple! Si Mayweather ay Amerikano at ang judges at reperi ay pawang Amerikano!
Magkaroon kaya ng rematch? Tingin ko hindi na pagbibigyan ni Mayweather. Dahil delikado na siya kay Pacquiao kapag binigyan pa niya ng pagkakataong magkaharap sila sa ring.
Ang malinaw dito ay 48-0 na ang 38-anyos na Mayweather, kumita ng daan-daang milyong dolyar at natuldukan na ang isyu sa kanila ni Pacquiao.
Si Pacquiao, 36-anyos, naman ay mag-uuwi ng daang milyong dolyar at may pambayad na siya sa kanyang utang sa BIR at may gagastusin na sa kanyang pagtakbong senador sa 2016.
Pero hindi pa raw magreretiro sa boxing si Manny. Kikita pa siya ng daang-daang milyong money sa kanyang kontrata kay Bob Arum at mabibigyan pa niya tayo ng maraming kasiya-han sa kanyang mga susunod na laban!
Mabuhay ka, Manny Pacquiao. Ikaw ang real champion sa mata ng boxing world!
***
Reaksyon ng boxing fans:
– Ka Joey, grabe talaga noh! Bisto na talaga ang dayaan… klarong klaro si Pacman ang maraming puntos. Sabagay lugar yun ni Mayweather eh, kanya ang judges! – 09101763…
– Nakapagtataka ang laban nila Manny Pacquiao at Mayweather. Dapat pala hug at takbo lang ang ginawa ni Mayweather para ipanalo ang laban. Dios mio tsupi! Kala ko dito lang sa Pinas ang may mandarambong, meron din pala sa Las Vegas, mas matindi pa pala run! – 09496984…
– Ngayon talo si Pacquiao, tiyak maraming espekulasyon maglalabasan kung bakit natalo. Ang unang magsasalita siempre ang Mommy D ni Pacman… kesyo ganun ganito. Tapos niyan mga mambabatas naman, mangunguna si Cha-vit Singson na laging nasa likod ni Pacman sa ibabaw ng ring, mga kapanalig ni Pacman sa relihiyon at marami pa. Kapag nanalo naman puro papuri sa mga sarili nila, hehehe… 90% ang Pacman, Pinoy man o banyaga ang taga-hanga at umaasang mananalo si Pacman. Nga-yon asan ang pagbubunnyi nila? Sa arena, ma-ririnig natin ang lakas ng sigaw na “Manny! Manny!”. At kay Mayweather ay “booo…” di ba? Ang nangyari imbes na “Manny! Manny!” e many ang natalo at napahiya. Anong say nyo? – 09094818…
Galit ng netizens sa pamilya Veloso
– Sir Joey, napakabastos talaga ng pamilya Veloso, walang good manners, mga walang modo. Kon ako kay PNoy pabayaan ko nalang nga ma-firing squad ang convicted “drug courier” nayan. Akala mo kon sino nang umasta porke nakapunta ng Indonesia. Ne singko duling wala sila ginasta. Mga ingrata! – From Kab City, negros Occ.
– Kawawang Mary Jane Veloso. Walang kamuwang-muwang ang mga magulang lang niya ang naglalagay sa kanya sa kapahamakan dahil sa maling pagsunod sa militanteng Migrante International. At gusto ko rin iparating sa Migrante na ‘wag namang samantalahin ang kamangmangan ng pamilya Veloso dahil nalalagay sa alanganin ang Pinay na nasa death row. Hindi pa tapos ang kalbaryo ni Mary Jane, ipinagpaliban lang ng Indonesia ang firing squad para tumestigo laban kay Sergio sa kasong human trafficking. Sa mga magulang naman ni Mary Jane, kung talagang mahal ninyo ang bunsong anak ninyo, hindi pa naman huli ang lahat, humingi kayo ng tawad sa ating gobyerno kumpara sa mga Migrante na hanggang pasingaw-hangin lang ang mga yan. Wag kayo pauto sa militanteng Migrante para wag malagay sa alanganin ang yong anak. – 09496984…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015