Saturday , November 23 2024

Balik TUBIIIG baang nais uli natin? ‘Wag na uy

00 aksyon almarNAGHAIN ng notice of claim ang Manila Water Company sa national government sa pamamagitan ng Department of Finance, para sa kanilang compensation mula sa financial losses o pagkalugi bunga ng naging desisyon ng Appeals Panel, na nagsasabing ang Manila Water ay isang public utility.

Kaugnay nito, base sa findings l… “the panel excluded corporate income taxes from the cash flows for the determination of tariffs moving forward.”

Ayon naman kay Manila Water president and CEO Gerry Ablaza, ang kalakaran ay may mala-king pagkakaiba sa orihinal na pinagkasunduan sa pagitan ng pamahalaan noong isinagawa ang 1997 bidding para sa pribadorng sektor hinggil sa partisipasyon nito sa operasyon ng MWSS.

‘Ika nga… that Manila Water will be an agent and contractor of MWSS which will continue to be the public utility, adding that this decision fundamentally changes the concession agreement.”

Dahil sa isinagawang pagbabago, hinahabol ngayon ng MW ang primary obligation ng pamahalaan na hindi naging maganda ang resulta sanhi ng isinagawang pagbabago sa pinagkasunduan.

Binanggit din ng MW sa kanilang kahilingan sa DOF, nais ng water company na palitan o bayaran ang kanilang pagkalugi na tinayatang umaabot sa P79 billion mulang 2015 hanggang 2037.

Ayon sa MW, habang hinahabol nila ang kanilang claim, kanila pa ring ipatutupad ang bagong singil  o bayaran sa tubig na ipinag-utos ng MWSS base sa desisyon ng  Appeals Panel.

Ipatutupad ng Manila Water ang 11.05 porsiyentong reduction na may katumbas na P2.77 per cubic meter. Ang bagong rates na ipatutupad ay, negative P1.66 per cubic meter para sa 2015, negative P0.55 sa 2016 at negative P0.55 sa 2017.

Ano pa man, kahit na masasabing malaki ang pagkalugi ng MW, kanila pa rin isiniseguro ang publiko na hindi magbabago ang kanilang serbis-yo at higit sa lahat ay kanila rin itong lalong pagagandahin.

Kunsabagay, hindi naman nagsisinungaling ang MW sa kanilang ipinangako noon sa publiko. Kita naman natin nang simulang hawakan nila ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan – bilang concession, hindi na tayo nagkakaproblema sa suplay ng tubig. Kung magkaproblema man o mawalan ng tubig ang gripo, ito ay pansamantala lamang dahil may kinukumpuni na ibig sabihin ay lalo pang pinagaganda ang serbisyo nila.

Sabi nga ng marami, ang pagkumpuni ay hindi nangangahulugang may kapalpakan kundi, isa rin itong pagsasaayos para sa mas magandang serbisyo para sa milyon-milyong water subscribers ng MW.

Pero ang tanong, may pondo ba ang national government na bayaran ang losses ng MW? Malabo yata ito. ‘E kung tuluyang malugi ang MW at hahawakan uli ng MWSS ang patubig, mararanasan ba natin ang mga nararanasan natin ngayon sa kamay ng Manila Water?

Noong nasa ilalim ng MWSS ang patubig, ano po ba ang laging sigaw ng bayan. Ano pa kundi parating TUUUUUBBBBIIIIIIGGGGG!

Oo sa kalagitnaan ng pagsasabon habang naliligo, nawawalan ng tubig, kalagitnaan ng pagluluto, laging nawawalan ng tubig…ano pa, ma-ging ang mga pitsel natin o banga ay nawawalan ng tubig pero nang hawakan ng pribadong sector, hayahay ang buhay kahit na nalulugi ang MW.

Kaya ang tanong, may makukuha nga ba ngayon ang MW sa DOF hinggil sa kanilang pagkalugi? 

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *