Thursday , April 24 2025

Pagkakakilanlan natin pinalalabnaw ng CHED

USAPING BAYAN LogoNAKALULUNGKOT na may kilos ang Commission on Higher Education na nagpapalabnaw sa salalayang batayan ng ating pagkakaisa bilang lahi. Ito ang malinaw mula sa Memorandum No. 20 na ipinalabas ng komisyon kamakailan. Ayon sa memo dapat itigil nang lahat ng kolehiyo’t pamantasan ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa tersera kurso (college) bilang “core subjects” kasabay ng pagpapatupad sa programang K to 12.

Pasalamat tayo sa Pambansang Artista para sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera, mga miyembro ng party-lists, cause oriented organizations, mga makabayang guro mula sa Pamantasan ng Pilipinas, Santo Tomas, La Salle at Ateneo de Manila, at mga indibidwal na humiling sa Kataas-taasang Hukuman na pigilan ang kahibangan ng CHED. Sa kabutihang palad ay nakinig ang hukuman at nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) habang sinusuri ang kahilingan ng mga petitioner.

Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na anti-Pilipino ang Memorandum No. 20. Ang masakit pa nito ay para itong kalamansi sa sugat sapagkat planong ipapatupad ang Memo habang ang ating mga isla sa West Philippine Sea ay inaagaw ng People’s Republic of China at tinatangkang biyakin naman ng Malaysia ang Mindanao sa tulong ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Sumabay din ang pagpapalabas ng memo sa pagpapasasa ng mga mangingisdang Vietnamese sa karagatan malapit sa Palawan at mga Taiwanese sa Balintang Channel sa may isla ng Babu-yan.

Imbes makatulong sa pagkakaisa at mapalakas ang bayan sa pamamagitan nang pagpapanday ng ating wika at pagpapalalim ng kaalaman sa panitikan, ang pag-aalis n ito bilang mahahalagang asignatura o core subjects sa kolehiyo ang ginawa ng CHED. Kaninong interes kaya ang isinusulong ng komisyon?

Bukod sa pagpapalabnaw ng ating kaakuhan, ang pakana ng CHED ay magiging daan upang mawalan ng trabaho ang tinatayang 78,000 guro na nagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa kolehiyo. Maaari rin ika-gutom ito ng halos kalahating milyong Pilipino na umaasa sa mga guro na tiyak na mawawalan ng trabaho kapag wala na ang asignatura ng wika at panitikang Filipino sa kanilang mga kolehiyo’t pamantasan. Mukhang hindi naisip ng CHED ang magi-ging epekto ng kanilang Memo.

Ayon kina Ginoong Lumbera at mga kasama niya sa petisyon, labag sa Konstitusyon ang pagpapatigil ng pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa tersera kurso dahil pinalalabnaw nito ang damdaming makabayan at ang kamalayang pang-kultura natin (sang-ayon po tayo sa po-sisyong ito).

Nakapaghihimagsik ng kalooban na marami pa ring puwersa ang ibig igupo ang kaisipang makabayan at makabansa sa ating lipunan. Ga-yon man hindi tayo dapat panghinaan ng loob. Tuloy ang nation building.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

 

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *