Friday , November 15 2024

Ibinibitin pa rin ni P-Noy ang PNP

CRIME BUSTER LOGOHANGGANG sa kasalukuyan ay bitin na bitin pa rin sa kahihintay ang mga kagawad ng Philippine National Police kung kanino ipagkakaloob ni pangulong Benigno Aquino III ang liderato ng PNP.

Early this week, ipinatawag at nakipag-usap ang pangulo kina general Leornardo Espina at general Garbo na kapwa 3-star PNP general at kapwa graduates ng Philippine Military Academy.

Ang pakikipag-usap ng pangulo sa dalawang PNP key officers ay kinumpirma sa media ni SILG Secretary Mar Roxas.

Sa 40th-day ng 44 fallen SAF commemoration na ginawa sa PNP-SAF headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, Metro Manila, sinabi ni general Espina na nakatakda na siyang magretiro sa pagpupulis sa darating na Hulyo 2015. 

Kung mai-longshot naman ni general Garbo ang bola at masusunod ang kumpas ni SILG Sec. Roxas at hindi kokontra ang suspended ex-PNP chief na si Allan Purisima, nakahanda kayang mag-early retirement sa serbisyo ang bestfriend ng pangulo ng Republika ng Pilipinas?

Kung hindi bibitaw nang mas maaga pa sa buwan ng Nobyembre ang dinapuan ng kamalasan na si Purisima, mananatili munang acting PNP chief sa kanyang trono ang police general na babasbasan ni P-Noy sa susunod na mga araw.

Dahil nakalinya sa seniority staff ng PNP ang pangalan ni general Garbo, baka ngayon pa lamang ay tuwang-tuwa na si Kuyang Baby. Sa susunod na ang iba pang detalye!!!

Hinaharang ang kargamento ng tagakilatis sa BoC

NAKATANGGAP tayo ng ilang impormasyon mula sa ilang players, negosyante sa pier tungkol sa umano’y panggigipit ng ilang tauhan ng Bureau of Customs.

Ang tinutukoy nila ay Account Management Office (AMO) ng BoC na ang mga papeles ng ipinarating na mga container vans ay dumaraan sa kanilang tanggapan.

Kahit na raw kompleto ang mga papeles sa importation products at may attachment na Importer Clearance Certificate (ICC), ang papeles ay ibinabasura raw ng isang alias ‘Al’ na siyang tagasala ng mga dokumento sa tanggapan ng AMO.

Kapag hindi raw pinansin ni alias ‘Al’ ang nakasubong papeles ng isang importer o ng isang broker, maliwanag na ito ay disapproved.

Dahil sa ganoong estilo, natetengga nang matagal sa pier ang kanilang mga kargamento na nagiging dahilan ng pagkalugi ng importer at ng broker.

Ang tanggapan ng AMO ay under ng IG (Intelligence Group) ng Bureau of Customs.

Naku po!!! Honorable Atty. Jemina M. Sy Flores, pakisilip po muna ang galaw ni alias “Al.” May mga players nang nabubuwisit sa kanyang style. Please lang chief.

Teka, ano na kaya ang naging aksyon ng office of the commissioner ng Bureau of Customs (OCOM) sa mga sako-sakong Ukay-ukay na nabulgar na nakatago sa isang bodega sa Cabuyao, Laguna?

Kung may bodega ng Uka-ukay na nadiskubre sa Cabuyao, Laguna, maliwanag na hindi pa rin napuputol ang connection ng mga sindikato sa pier na sangkot sa used clothing mafia. Ano kaya sa pakiramdam ni BoC Commissioner John Sevilla???

Munti marks 20th founding anniversary

THE City Government of Muntinlupa celebrated its 20th founding anniversary as a highly-urbanized city, 20 years of development, civic mindedness, and corporate social responsibility last March 1.

In his pursuit to transform the city into one of the leading investment hubs in the country, Mayor Jaime “JRF” Fresnedi introduced the one window transaction set to revolutionize business registration in Muntinlupa.

Moreover, the mayor also announced that Business Permits and Licensing Office (BPLO) gears up to completing the one-step application system of permits and licenses, cutting down the transaction to approximately ten (10) minutes. From the previous years’ 12 steps to 6, condensed to 3, and now reduced to a single phase.

In the celebration of Muntinlupa’s cityhood, the local government also acknowledged its key partners in the public and private sectors.

Muntinlupa’s partners in development were acknowledged for their invaluable contribution to the city’s growth: Gawad Kalinga Foundation, Inc., ManuLife, Pilipinas Shell Foundation, Inc., Zonta Club of Muntinlupa and Environs, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), Philippine Blood Disease and Transfusion Center, Philippine Chamber of Commerce and Industry-Muntinlupa Chapter, and Office of Congressman Rodolfo Biazon.

BPLO chief Gary Llamas also awarded Muntinlupa’s Top Ten Taxpayers for 2014: Ford Group Philippines, Inc., Filinvest Alabang, Inc., Meralco, Alabang Commercial Corporation, Amkor Technology Phils., Filinvest Land Inc., Pepsi Cola Far East Trade Dev., Zuellig Pharma, Insular Life Assurance Inc., and Manuela Corporation.

Government employees who rendered 40 years and above in service were also recognized in the celebration. Personnel Office OIC-Glenda Zamora gave plaque of recognition to Segundina Dela Cruz (City Health Office, 43 years), Nieves Cayman (Engineering, 41 years), Wilhelmina Delfin (Local Civil Registry, 43 years), and Natividad Garces (Muntinlupa City Technical Institute, 43 years).

Anyway, dahil ako po ay isinilang at lumaki sa bayan ng Muntinlupa, nakikiisa po ako sa mahigit apat dekadang pagkakatatag ng Cityhood ng Munti.

Pa-1602 ng 3 sikat

   ANG akala ng mga taga-Navotas ay Free sa gambling ang kanilang bayan. Hindi nila alam na ang tatlong kamoteng sina “Abiong,” “Jodi” at “Ombeng” ang pasimuno ng bookies ng loteng at iba pang uri ng 1602 sa bayan ng Navotas. Mayor John Ray Tiangco, ipa-counter check n’yo po!

   Sa Caloocan City, sina Mendoza at Adona ang taga-supply ng stickers ng VK na inilalatag nila sa proper area ng Caloocan. Nagkalat rin ang pasugal na saklaan at bookies ng karera ng kabayo sa iba’t ibang barangay sa AOR ni Chief Supt. Miano.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *