Sunday , January 5 2025

Trahedya sa Puso ng Isang Nagmamahal (Part 5)

00 trahedya pusoNALAMAN NIYANG CHEENA ANG PANGALAN NG BABAE SA LRT

“Thank you,” ngiti sa kanya ng babae.

At kumahog nang humabol ang babae na makasakay sa paparating na tren.

Maganda at tipong mabait ang babae. Dalaga pa sa tingin niya. Dahil matangkad na payat, mala-Olive sa cartoon na Popeye ang naging dating nito sa kanya. Pero hindi agad nabura sa isipan niya. Naroon pa rin sa kanyang isipan ang napakaamo nitong mukha, hanggang sa nakarating at nakapasok na siya sa compound ng gusaling pinagtatrabahuhan.

Nang umagang ‘yun, muling nakipagdambahan at nakipag-unahan si Yoyong sa pagsakay sa tren sa Blumentritt-LRT Station. Nakipagsiksikan siya sa mga pasahero. Kumapit siya sa handgrill. Hindi niya sukat akalain na makakatabi niya sa pagkakatayo si “Olive.” Walang gustong “mag-boyscout” sa mga kalalakihan doon, pulos nagtutulug-tulugan. Ibig na ibig na sana niya itong batiin at kausapin pero umandar sa kanya ang pagkamahiyain. Ni hindi tuloy niya nakilala ito.

“Approaching EDSA North Station…” pag-aanunsiyo ng radyo ng tren sa mga commuter.

Biglang natauhan si Yoyong. Lumampas siya sa estasyon ng tren sa Monumento na dapat niyang babaan. Naroon na rin lang, sinabayan na niya ang pag-ibis doon ni “O-live.” Sa mall nga ito pumapasok, saleslady ng isang department store na tindahan ng mga kasuotang panlalaki at pambabae. Nabasa niya sa nameplate na ikinabit nito sa dibdib ang “Cheena.” Cheena pala ang pa-ngalan ng dalaga.

Paghahawak niya sa sweldo, kinabukasan ay pinuntahan niya ang tindahang pinaglilingkuran ni Cheena. Ito ang nag-asikaso sa pamimili niya ng maisusuot na t-shirt na pwedeng panglakad-lakad. Noon niya sinamantala ang pagkakataon para makipagkilala sa dalaga. Binanggit niya ang insidente ng una nilang pagtatagpo sa LRT station. Nangiti nang maalala iyon. Nangislap ang mga mata ng dalaga sa pagngiti, lumitaw ang malalim nitong dimpol sa mag-kabilang pisngi. At nagbigayan silang dalawa ng numero ng kani-kaniyang telepono.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *