ni Vir Gonzales
MALAKING challenge kayVina Morales ang pagiging nag-iisang may malaking pangalan sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? Kahit sabihing mga bagets ang kasama, tipong the who pa rin para sa mga televiewer.
Kabang-kaba si Vina, pero malaking pag-asang hindi pababayaan ng kanyang mga director. Mistulang dala-dala ni Vina ang bandera ng naturang teleserye.
Two years ding pinag-usapan ang istoryang ito na rating pelikulang ginampanan ni Susan Roces. Mismong si Susan ang nag-suggest kay Ms. Charo Santos na ulitin nila muli ang istoryang tumabo noon sa takilya. Binago ni Ricky Lee ang ilang sistema, na tipong pampelikula, at isinalin sa pantelebisyon naman.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
