Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB, tinatakasan si Robin, ayaw kasing maging direktor

ni Ronnie Carrasco III

012715 rommel robin bb

ITINUTURING ni Robin Padilla na therapy ang katatawanang ginagawa nila sa bago niyang sitcom na 2 ½ Daddies ng TV5. Malaking tulong din ito na nagkaroon sila ng communication ni BB Gandanghari. Marami raw ang nasa script na hindi nila nasasabi sa kanya pero sa pamamagitan niyon ay naisasambulat nila.

“Nagagamit namin ‘yung script para roon namin mapag-usapan. Kaya minsan ‘yung director namin hindi kuma-cut kasi roon namin napag-uusapan. Pero hindi puwedeng lumabas sa TV ‘yun dahil minsan censored,” bulalas ng bagong Action King na napapanood ding nagco-comedy.

Speaking of BB, nagsalita na rin si Robin sa isyung ayaw siyang maging director sa isang action film.

“Matagal ko nang sinasabi pero ayaw niya akong director kaya kami nag-aaway . Ang dami kong project diyan, ang dami ‘Kill BB,’ magsu-shooting na lang kami nang malaman niya na ako ang director, ayaw, lumayas siya. Ewan ko..mayabang ‘yan eh,” deklara ni Binoe.

“Noong mag-shooting kami ng ‘Anak Ni Baby Ama’, magsu-shooting na lang kami nang malaman niyang ako ang director, ayaw niya. Nagbibigay siya ng ibang director. Ang sabi ko sa kanya, ‘alam mo ‘tol, hindi ako kailanman gagawa ng action na iba ang director kasi malulugi tayo’. Alam ko na kasi. Ngayon ‘ika ko, humanap ka ng ibang producer parang ‘Bonifacio,’ iba ang director ko dahil iba ang producer. Pero kung ako ang producer tapos ayaw mong ako ang director, ‘wag na lang..kasi malaki gastos, eh. Hindi ko naman sinasabing alam ko na ‘yung daya kundi alam ko na ‘yung action. Kasi mahal ang action na gawin. Eh, ‘pag kumuha tayo ng isang director na magaling nga, hindi naman marunong gumawa ng action, p__a uubusin ang pera mo niyan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya, eh, mayabang ‘yan. Hindi kami natutuloy. Lagi kaming magsu-shooting na lang,” litanya pa niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …