Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Flordeliza, inilipat ng timeslot

 

ni Ronnie Carrasco III

012715 flordeliza marvin jolina

SIMULA noong Lunes (Enero 26), bago na ang time slot ng Twitter-trending family drama series na Flordeliza na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Eere na ito tuwing 2:30 ng hapon pagkatapos ng It’s Showtime.

Samantala, mas nagiging kapana-panabik na ang kuwento ng Flordeliza ngayong nakatira na sa iisang bubong si Crisanto (Marvin) at ang dalawang babae sa kanyang buhay na sina Florida (Jolina) at Elizabeth (Desiree del Valle).

Hanggang saan dadalhin si Florida ng labis niyang pagmamahal kay Crisanto? Kakayanin na ba ni Florida na ipagtapat sa anak niyang si Flor (Ashley Sarmiento) na may ibang pamilya si Crisanto? Anong gagawin ni Elizabeth kapag matuklasan niya na ang kinuha niyang tagapag-alaga ni Crisanto ay ang matagal nang karelasyon ng kanyang asawa?

Ang Flordeliza ay base sa mga pangalan ng mga bidang karakter na sina Florida at kanyang anak na si Flor, at Elizabeth at ang anak niyang si Liza (Rhed Bustamante). Ito ay sesentro sa dalawang mag-ina na pagbubuklurin ng pagmamahal at paglalayuin ng isang malungkot na katotohanang iisa lamang ang ama ng kani-kanilang pamilya.

Sa ilalim ng direksiyon ng Master Storyteller na si Wenn V. Deramas at ni Tots Sanchez-Mariscal IV, tampok din sa Flordeliza sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, at Juan Rodrigo.

Patuloy na tuklasin ang halaga ng pamilya sa Flordeliza araw-araw, tuwing 2:30 ng hapon sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …