Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, mala-diyosa ang kaseksihan sa mga pictorial sa Maldives

ni Timmy Basil

010715 coleen garcia

MALA-Diyosa ang mga sexy photo ni Coleen Garcia na kinunan sa Maldives. Karamihan sa mga kuha niya ay naka-two piece. Of course, kasama ni Coleen ang kanyang boyfriend na si Billy Crawford na nagsilbing photographer ni Coleen.

Grabe ang kaseksihan Coleen. Sa It’s Showtime kasi parang medyo mataba siyang tingnan pero sa photo, ang sexy-sexy niya, kitang-kita ang kurba ng katawan.

Talagang nagbaon ng sangkaterbang 2 piece bikini itong si Coleen dahil iba-iba ang suot niya sa mga lumabas na pictures.

Puwedeng-puwede na siyang maging cover sa FHM at ilan pang magazine na panlalaki.

Ang ipinagtataka ng mga bakla, bakit si Coleen lang ang may kuha? Bakit walang lumabas na kuha ni Billy in his swimwear? Ni wala nga rin silang selfie photo together? Bakit tila ang role lang talaga ni Billy ay ang maging photographer ni Coleen? Kumbaga, gusto niyang si Coleen lang ang mag-shine sa Maldives vacation nila.

Anyway, saan ba matatagpuan itong Maldives na ito ?

Well, matatagpuan ito sa Indian Ocean-Arabian Sea. Mga bansang India at Sri Lanka ang neighboring countries nito. Kagaya ng Pilipinas, dumaan din sa colonization ang Maldives. Una ay sa ilalim ng Portuguese Empire noong 16th century, sumunod ay ang Dutch Empire sometimes in 17th century, then sumunod ang mahabang pananakop ng British Empire na tumagal hanggang 1965.Taong 1968 lang sila naging malaya at nagsimulang mag-elect ng presidente.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …