Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, playboy ang unang tingin kay Enrique

ni Rommel Placente

101014 Enrique Gil Liza Soberano

SABAY na nag-guest sa The Buzz noong Linggo ang dalawang bida ng seryeng Forevermore na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa tanong ni Boy Abunda kay Liza kung ano ang first impression nito kay Enrique sa una nilang pagkikita, ang sagot ng dalaga ay playboy.

“Kasi he seems like one of the the types of guys that plays with girls,” sabi ni Liza.

Natakot ba siya sa impression na ‘yun?

“Yes,” sagot niya.

Pero noong nakilala na raw niya nang husto si Enrique ay nagbago ang impression niyang ‘yun sa kanyang ka-loveteam.

“He’s a very family-oriented person. He does everything for his mommy, his brother and sister. And also he loves his daddy very much eventhough he’s no longer here.”

Sa sinabing ito ni Liza tungkol kay Ken (tawag kay Enrique), tinanong ni Boy si Enrique kung love niya rin ba si Liza, kung may feelings ba siya rito?

“To be honest, oo mayroon,” pag-amin ni Enrique.

‘Yung feelings ba niyang ito ay nasabi niya kay Liza?

“Minsan napi-feel niya.”

Sa sagot na ito ni Enrique ay tinanong ni Boy si Liza kung nararamdaman ba niya ang feelings sa kanya ni Enrique?

Ang sagot ni Liza ay, “Yes po.”

Paano ipinararamdam ni Enrique anng feelings niya kay Liza?

“Sa mga simpleng bagay lang. ‘Yung pag-alalay sa kanya.”

Paano niya ina-assure si Liza na hindi siya playboy?

“Nakilala na niya ako kaya alam niya ‘yun. Hindi na siya takot,” natatawang sabi pa ni Enrique.

Kahit may pagtingin kay Liza ay hindi raw muna ito liligawan ni Enrique dahil alam niyang hindi pa ito pwedeng magka-boyfriend hangga’t hindi pa ito sumasapit ng edad 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …