Saturday , November 23 2024

Jueteng all the way sa Isabela

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG nagkakaisa ang local government unit at pulisya sa Santiago City, Isabela kapag pagkukuwartahan ang pinag-uusapan?

Isang alyas JOE DELA KRUS at ROBERT NGO-NGO ang matunog na matunog ngayon na siyang may hawak ng JUETENG sa nasabing lalawigan.

Ang impormasyon na nakarating sa atin, nanghihiram umano ng kapal ng mukha ang dalawang ‘yan sa isang Kamaganak Inc., ni Mayor Joseph Tan?

O Mayor Tan , alam mo ba ang ginagawa ng isang kamaganak mo raw!?

Isang buwan na ang teng-we operation nina Joe at Robert pero mukhang nabubulagan ‘este nabubukulan si city police chief Supt. Alexander Santos at provincial director Supt. Sotero Ramos?

‘E paano naman kaya si Regional Director Supt. Miguel Laurel?

Nabubulagan o nabubulag sila?

Pakisagot na nga po.

Ang lupit ng kamandag ni Peter Co

TOTOO nga yata ang kasabihan, walang tunay na demokrasya at daang matuwid sa sikmurang kumakalam.

O kaya naman walang tunay na demokrasya at daang matuwid sa maluhong pamumuhay.

Sa mga kasabihang iyan daw makikita ang ‘napakatapang’ na kamandag ni convicted drug lord Wu Tuan Yuan a.k.a. Peter Co.

Mantakin n’yo, kahit nailipat na sa NBI detention cell ay nagagawa pa rin niyang magpuslit ng kuwarta sa loob?!

Kung ang pagtatayo ng Babel (Tore sa Biblia) ay nabigong matapos nang hindi nagkaunawaan ang mga gumagawa dahil sa iba-ibang lengguwahe, dito kay Peter Co, iisa lang ang ginagamit niyang lengguwahe.

Kahit hindi bumukas ang kanyang bibig pero kapag lumatag na ang ‘drug money’ nagkakaintindihan lahat.

Ganyan kadulas ang kuwarta ni Peter Co mula sa droga.

May isang panahon na nagpapa-operate pa ang damuhong ito sa media para banatan ang ilang Bucor official.

Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay marami ang sumasangga pabor sa kanya sa iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan.

At kung hahayaan at kakaang-kaang lang ang hahawak ng imbestigasyon sa National Bilibid Prison (NBP) tiyak kayang-kaya silang paikutin ni Peter Co.

Ibig natin sabihin, kalat na ang kamandag na ala-mafia ni Peter Co kaya mas makabubuting ang humawak ng imbestigasyon dito ‘e ‘yung walang konek sa mga kilalang kakonek ng mga opisyal o taong natukoy na sangkot sa iba’t ibang uri ng kontsabahan sa loob ng Bilibid.

In short, huwag kayong masilaw sa sandamakmak na kuwartang ilalatag sa harapan ninyo ni Peter Co!

‘Yun lang!

Antigong bagman sa MPD PS-5, humahataw! (ATTN: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

NAMAMAYAGPAG ngayon ang isang antigong tulis ‘este pulis sa lahat ng tabakuhan (kolektong) sa AOR ng ERMITA Police Station.

Isang alyas SARHEN-TONG WILLIAM DIAKZON ang nagpapakilalang opisyal na bagman ngayon ni MPD PS-5 station commander Kernel Romeo “Popeye’ Macapaz.

Alam mo na ba ‘yan Kernel Macapaz?

FYI Kernel, sa tulis daw nitong si Sarhen-tong ay kopo n’ya lahat ng pagkakaKUWARTAHAN sa mga ilegalista.

Kaya naman hindi na tayo magtataka kung lumakas at dumami ang latagan ng 1602 gaya ng bookies, lotteng, STL cum weteng, video karera, sakla at bol-alai.

Magtataka pa rin ba tayo kung patuloy na lumalala ang peace & order sa BASECO at PAROLA COMPOUND!?

Ang mas matindi pa na INFO na nakarating sa Bulabugin, pati ilegal na droga ay naka-tongpats kay Sarhen-tong Diakzon.

Hindi kaya nagtataka si Kernel Macapaz, kung bakit malala rin ang problema sa droga at drug-related crime sa AOR niya?

Sonabagan!!!

NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria,

ipinagyayabang pa ni Sarhentong Diakzon na bagyo daw ang konek niya sa Bicutan kaya siya nakapipili ng juicy assignment?!

Gen. Valmoria, ang ganito bang klaseng pulis ay pinapayagan na ba n’yo na mangolektong sa halip na magsilbi sa taong bayan?

Pakisagot lang po!

Color ‘Daya’ Games sa Talisay Batangas

SA POBLACION ng Talisay, Batangas, tuloy ang pasugal ng color games ng peryantes na si Boknoy. Hindi raw maawat ng local Philippine National Police dahil may ‘timbre.’ +9182900 – – – –

VIP treatment totoo ba ‘to?

BAKIT sila Jinggoy at Bong kahit madaling araw may dalaw/pati kerida nakaka-overnyt. Pero kaming hndi nagnakaw mas mahigpit sa oras ng bisita. Nasaan ang patas na trato ng gobyerno sa mayaman at mahirap. Naka-aircon pa sila, kunwari lng tinanggal. +63929559 – – – –

Nasaan na ang P6-B sa Yolanda Rehabilitation Project?!

‘DI BA ipinagyayabang ni REHAB CZAR LACSON na P6 bilyon na ang naitapon nya s Yolanda victims s Tacloban? Taliwas naman sa sinasabi ni Mayor Romualdez na walang gaanong naitulong ang national govermment s lungsod. Kaya hinahanap ngayon ni Romualdez ang P6 bilyon na naitulong ng Noynoy govermment s lungsod. Ngayon tinatanong ni mayor Romualdez kung nasaan yung P6 Bilyon? Natorete raw si Lacson walang maisagot. Dapat nga naman may mga katibayan o mga listahan ng pinaggamitan ng P6 bilyon hndi ‘yung sinasabi lng nya na gumastos na ng P6 bilyon ang national govermment. Ang laki ng P6 bilyon saan na naman kaya napunta ang salaping iyon? Parte parte na naman ba yan? Hayup talaga mga opisyal ng gobyerno natin. Hindi naawa s mga kawawang tao nakukunsensya pa nila na paghati hatian ang tulong para s mga biktima ng kalamidad. Hndi naman sa bulsa nila magagaling nakawin pa talaga? May karma rin kayo? – Juan po.

+63909481 – – – –

Notorious shabu pusher ng Guiguinto Bulacan

PARA sa kaalaman ng lahat na itong si alias Bayong Gon—les ng Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan ang notorius na drug pusher at main source ng shabu rito sa bayan ng Guiguinto. Anak po siya ng isang kasalukuyang Brgy. Captain. Labis pong nagtataka ang mga residente sa Brgy. Tiaong Guiguinto kung bakit hindi mapadampot sa ilegal na pagtutulak ang kamay na bakal para sa agarang ikadarakip nitong si Ba-yong na kilalang kilala at responsable sa pagpapakalakat ng droga dito sa aming bayan ng Guiguinto. Kung kaya’t ipinaaabot ko kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz at Vice Ma-yor Banjo Estrella na inyong maipatupad. Maraming salamat po. – Concerned citizen

+63932300 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *