Tuesday , December 24 2024

Atty. Persida Acosta, kayang pagsabayin ang showbiz at public service

00 Alam mo na NonieMAY special participation ang hinahangaan naming Chief ng Public Attorney’s Office (PAO) na si Atty. Persida Acosta sa pelikulang Maratabat ni Direk Arlyn dela Cruz. Gumanap siya rito bilang isang judge na nagbigay katarungan sa mga biktima ng massacre sa Mindanao.

Parang true to life ang character dito ng masipag na PAO chief dahil sa totoong buhay ay nagbibigay siya ng hustisya at tagapagtanggol ng mga naaapi. First time na lumabas si Atty. Acosta sa pelikula, pero matagal nang inaabangan ng marami na isapelikula ang kanyang buhay.

Nauna rito, ilang beses na rin siyang napasabak sa hosting stints sa TV sa ilang shows sa TV5 gaya ng Face to Face at Public Atorni: Asunto o Areglo.

Ayon kay Atty. Acosta, libre ang paglabas niya sa Maratabat dahil nais talaga niyang makatulong para sa rule of law at dahil na rin sa kanyang advocacy. “Para makatulong lang ako. It’s part of my public service and advocacy, for the rule of law, peace and truth in our country.”

010715 cudia Acosta

Maraming tao ang tinutulungan ni Atty. Acosta para makamit ang hinahangad nilang hustisya. Kabilang dito si Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia, ang PMA cadet hindi pina-graduate dahil na-late lang ng dalawang minuto sa kanyang klase.

“Gusto niya siyempre maka-move on na siya. Tapos magkaroon na siya ng hustisya kasi biktima siya ng sistema na mali. Kumbaga, mahuli ka lang ng dalawang minuto, kakasuhan ka na? Tapos papatungan ka pa ng lying, kumbaga.

“Parang napaka-unfair sa kaninuman na kagaya niya na anak ng isang pangkaraniwang Pilipino na naghahangad ng edukasyon, at nasa Konstitusyon ang Right to Education, e.

“Dapat number one siya sa Navy and then number two siya sa buong rank. At saka napakaraming scholarships at awards ang tinanggap niya,” esplika niya.

Idinagdag pa ni Atty. Acosta na second lieutenant na sana ang ranggo ngayon ni Cadet Cudia kung hindi nangyari ang insidente.

Ayon pa sa PAO chief, hinihintay na lang nila ang resolution ng kaso.

“Submitted na for resolution, pina-submit na namin kaya nga humihingi kami ng tulong sa media, pati sa entertainment press, na kumbaga katukin ang Supreme Court na ‘Desisyunan n’yo na!’ Para alam na rin ni Cadet Cudia kung tuluyan na siyang pinatay, tuluyan siyang makukulong sa tatlong letrang ‘lie’ pero kahit hindi naman dapat.

“Walang pagsisinungaling doon, e. Kahit naman noong tayo ay estudyante, kapag hindi tayo dinismis ng teacher sa class mahuhuli na tayo sa next period talaga. Pero yung teacher hindi nagagalit sa atin dahil normal lang yun lalo na kung lilipat ka ng building. Malayo, aakyat ka pa ng another floor o kaya inutusan ka ng teacher na kung anumang gagawin,” paliwanag pa niya.

Sinabi rin niyang hindi si Cudia ang nag-violate ng honor code.

“Yung Honor Code, ang nag-violate yung Honor Committee na naghatol sa kanya. Ang hatol sa kanya acquittal, kasi hindi unanimous. Pero ipinagpalit ang boto yung nag-acquit sa kanya. So ang nag-tamper ng votes hindi si Cudia, hindi siya ang nag-tampering o nag-lying, yung Honor Committee mismo.

“Ipinatawag ng Commission on Human Rights lahat sila at may mga statements, talagang nagkaroon ng tampering of votes, ang nag-tamper ng votes yung Honor Committee kaya sabi ng iba, hindi na Honor Committee yan, Horror Committee!”

Idiniin pa Atty. Acosta na hindi niya tatantanan ang kaso ni Cadet Cudia hanggang hindi nito nakakamit ang hustisya.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *