ANG sheep ay mabait, sweet at mapagbigay. Mahalaga sa tupa ang tahanan. Ang sheep, katulad ng best friend niyang rabbit, ay kailangan nang mababalikang ligtas at masayang tahanan makaraan pumalaot sa marahas na mundo.
Ang sheep, rabbit at snake ay pawang artists ng Chinese zodiac.
Ang 2015 ang pinakamainam na taon para sa pag-redecorate ng kapaligiran. Nais ng sheep na may ‘art and beauty’ sa kanilang paligid, at balisa sa mga bagay na marumi o matabang. Kaya panatilihing malinis at maayos ang inyong tahanan sa buong taon.
Ngunit saan magsisimula? Simulan sa front door. Linisin ang inyong entry door para salubungin ang good luck na darating sa inyong tahanan at lugar ng negosyo sa 2015.
Linisin ang front porch, entry hall, lobby, at ano mang entry kung saan kayo naninirahan. Panatilihing malinis ang lugar na ito, dapat ay sapat ang liwanag at kaiga-igaya.
I-tsek ang lighting fixtures, pintahan nang bago, at maglagay ng bagong rug para sa pagsalubong sa New Year of the Sheep.
Isa sa maraming istilo ng feng shui ay ang pag-overlay ng map ng eight tri-grams, tinatawag na ba-gua sa Chinese.
Ang ba-gua focus para makabuo ng kasaganaan sa Wood Sheep year ay ang pag-emphasize sa Helpful People area. Ito ay naroroon malapit sa right corner mula sa entry. Ang sheep ay mainam sa pagsuporta sa iba. Ang sheep ay nagdudulot ng kapayapaan at magandang pagsasama sa grupo, kaya nagiging matagumpay ang group efforts.
Lady Choi