WASAK ang kinabukasan ng isang 15-anyos na dalagita makaraan pagpasasaan ng isang obrero sa loob ng bahay ng biktima kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Joselito Pontillano, 32, ng Bukludan Petunia St., Sampaguita Subdivision, Camarin ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse)
Batay sa ulat ni Sr. Insp. Bernard Pagaduan, hepe ng Police Community Precint (PCP-5) dakong 2 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kwarto ng dalagita sa Sampaguita Subdivision ng nasabing lugar.
Nanginginig at umiiyak na isinalaysay ng biktimang itinago sa pangalang Janice, 3rdyear high school student ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek na pamilya ang turing ng kanyang mga magulang.
Nagising na lamang siyang pilit na hinuhubaran ng suspek kasabay ng pagbabanta na papatayin kapag pumalag dahilan upang matagumpay na nagawa ni Pontillano ang panggagahasa sa kanya.
Pagkaraan ay agad naaresto ang suspek ngunit nadakip ng mga awtoridad sa follow-up operation.
Rommel Sales