Friday , November 22 2024

Kapit-tuko pa rin ang walang kahihiyang si D/G Bucayo?!

00 Bulabugin jerry yap jsyPINATIGAS na rin ba talaga ang kahihiyan sa katawan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Franklin Bucayo!?

Aba ‘e bukayong-bukayo na siya sa kapabayaan niya sa kanyang tungkulin at trabaho sa sambayanan ‘e nagagawa pa niyang ‘umikot’ sa iba’t ibang estasyon ng telebisyon at radio kahapon ng umaga para linisin ang kanyang pangalan at bolahin ang taong bayan matapos ang pagsalakay sa National Bilibid Prison (NBP) ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinangunahan mismo ni Justice Secretary Leila De Lima.

Bistadong-bistado at bukayong-bukayo ang pagbubuhay-hari ng mga sentensiyadong bigtime drug lord at high profile detainee sa Maximun Security Compound ng Bilibid at talagang natambad sa publiko ang pagpapatuloy ng kanilang maluhong pamumuhay.

Imbes pagsilbihan ang parusang ipinataw sa kanila ng pamahalaan dahil sa karumal-dumal na pagkakalat at pagbebenta ng ilegal na droga lalo na ng shabu na pinagmumulan ng lahat ng uri ng kademonyohan, ‘e lingid sa kaalaman ng sambayanan napakasarap pala ng buhay nila sa Bilibid Prison at nagpapatuloy ang kanilang ilegal na transaksiyon sa loob mismo ng Maximum Security Compound.

Kung hindi ito alam ni Bucayo sa halos dalawang taon na siyang nakaupo riyan o kung alam na niya pero hinahayaan niyang magpatuloy, ano pa kaya ang silbi niya bilang Director General ng BuCor?!

Inabot pa nga ng suwerte si Bucayo nang pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III Ang Republic Act 10575 (Bureau of Corrections Act of 2013) dahil hindi lamang modernization ng NBP at lahat ng penology sa ilalim ng BuCor ang pinag-uusapan dito kundi maging ang termino ng Director General na ginawang permanente sa loob ng anim na taon.

Ibig sabihin tila nagkaroon ng awtonomiya si Bucayo para maghari o pagharian siya ng mga drug lord sa loob ng anim na taon sa Bilibid.

Dapat nang tigilan ni Bucayo ang paglulubid ng kuwento o walang katapusang pagpapaliwanag sa media na pinalalabas niyang inosente siya sa mga nabuyangyang na ‘Lihim ng Guadalupe’ d’yan sa loob ng Bilibid.

Hindi siya isang inosente kundi isang ignorante dahil hindi siya nagsikap linisin ang Bilibid kaya nakonsinti pa lalo ang ilegal na transaksiyon ng mga bigtime drug lord sa loob.

Dapat ka nang mahiya Bucayo dahil ang natuklasan na ‘yan ni De Lima ay LUNDO na ng mga kapalpakan mo sa Bilibid!

Sonabagan!!!

Marami ang nagsasabi na matagal nang alam ni Bucayo ang mga nagaganap sa loob pero mukhang hindi niyang kayang labanan ang napakalaking sindikato ng ilegal na droga sa loob.

Hindi ba sapat na ‘yan para maintindihan ni Bucayo na incompetent siya sa kanyang puwesto?!

D/G Bucayu, wala ka nang iba pang dapat sulingan kundi ang mag-resign sa daang matuwid ni PNoy.

D’yan maraming pinabilib si ret. Gen. Totoy Diokno noon.

Minabuti niyang magbitiw sa tungkulin para huwag madamay sa kahihiyan si PNoy.

Pero ikaw D/G Bucayo, bukayong-bukayo ka na pero humihirit ka pa rin… ano pa ba ang hinihintay mo?!

RESIGN na!!! Tsupi!!!

Sino si alias Aling Tasya y Tara sa BOC-MICT? (Attn: Finance Sec. Cesar Purisima)

MARAMI ang nagtatanong sa Bureau of Customs (BoC) Manila International Container Terminal (MICT) kung sino raw po ‘yung tinatawag at sikat na sikat sa laki ng tarahan na si alias Aling TASYA?!

Ibang klase raw ang mga asta nitong si Aling Tasya y Tara na parang reyna na sa BoC-MICT.

Umaalma ang mga broker at stakeholder na kapag sa section niya dumaan ang kargamento nila na kahit wala naman diperensiya ay hahanapan ng butas para maghatag ng malaking tara.

Ok lang naman sa kanila na magbigay ng konting overtime pero huwag naman ‘yun tatarahan sila nang malaki at pinahihirapan pa.

Akala nga nila, nawala na ang ganitong pangit na kalakaran sa BoC-MICT pero may ilan talaga na hindi pa narereporma.

Tsk tsk tsk …

‘Yung tunay na magagaling at nakatutulong sa BoC ay ‘ibinabartolina’ sa CPRO, pero itong si alias Aling Tasya y Tara ay Malaya pang nakagagawa ng kawalanghiyaan sa kabila ng mga repormang ipinatutupad ni Customs Comm. John Sevilla.

Aba, ang balita natin, ‘e maluwag pa ngayon sa Customs Policy and Research Office (CPRO) sa mga katulad ni Aling Tasya… pwedeng-pwede pa siya roon!

Gusto mo bang mairekomenda sa CPRO, Aling Tasya?

Ikaw ang bagay na bagay doon, sabi mismo ng mga kasamahan mo riyan sa BoC-MICT!

Finance Secretary Purisima Sir, kung gusto ninyo malaman ang tunay na pangalan ni alias Aling Tasya, pakitanong na lang sa BoC-MICT Formal Entry SEC. 15 chief PCA Salapantan!

‘Disability Test’ sa APD inilalarga ni Ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo

WALA na naman tigil ang inbox ng inyong lingkod sa mga natatanggap nating hinaing kaugnay ng DISABILITY TEST na biglang iniutos umano ni Airport Police Department (APD) chief, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo.

Isang Col. William Dokot ‘este’ Dolot umano ang ‘urot’ na nagpa-bright bright nitong ‘disability test.’

Hindi natin alam kung ano ang layunin ng disability test ni Col. Dolot pero sana raw ay walang hidden agenda sa usaping ito.

Sandamakmak na ang kontrobersiya sa APD. Baka madagdagan pa.

‘Yung bentahan ng mga t-shirt, medyas, pantalon etc. ‘Yung namatay na APD trainee … hindi pa nabubura ‘yan sa alaala ng NAIA.

Hindi rin ito nakatutulong sa implementasyon ng tungkulin ng APD sa NAIA.

Totoo nga na may ilang beteranong APD personnel na na-stroke pero sila’y mga naka-recover na at nagdu-duty na sa airport. Pinipilit pa rin nilang kumita nang marangal para buhayin ang pamilya nila.

Sa halip nga raw na suportahan sila ay parang gusto pa raw silang tanggalin sa serbisyo.

(By the way, kung hindi tayo nagkakamali, itong si Col. William Dolot ang sinasabing dahilan umano ng maagang pagbibitiw ni ret. Gen. Salvador Peñaflor sa MIAA dahil, sa pinaputok (whistleblower) niyang maling isyu raw sa bidding ng CCTV sa airport?)

Anyway,  kung seryoso si Col. William Dolot sa kanyang disability test, aba ‘e kaiingat siya, baka may tamaan d’yan sa MIAA Administration Building …

Tiyak na may mapapalitan sa mga BOSSING ninyo, Col. William Dolot.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *