Monday , December 23 2024

Comelec lumabag sa Procurement Law (BAC bumaliktad sa DQ ruling vs Smartmatic )

121614 FRONTHINILING kahapon ng isang abogado sa Bids and Awards Commitee ng (BAC) ng Commission on Elections (Comelec) na irekonsidera ang kanilang desisyon sa paglahok ng Smartmatic TIM sa two-stage bidding para sa supply ng karagdagang counting machines para sa 2016 elections.

Idineklara ng BAC na kapwa kwalipikado ang Indra at Smartmatic na ipagpatuloy ang bidding matapos makapasa ang dalawa sa minimum technical requirements.

Sa eligibility requirements, nakakuha ang Indra ng unanimous vote mula sa 14-man Technical Working Group (TWG). Gayon man, hati ang desisyon ng TWG sa pagpasa ng Smartmatic para sa eligibility.

Inihain ngayong araw ni Atty. Archibald Demata, Legal Counsel ng Indra ang mosyon para irekonsidera ng BAC ang kanilang desisyon na nagbigay ng go signal sa Smartmatic na ipagpatuloy ang bidding para sa supply ng mga bagong PCOS machines.

“We are appealing, strongly appealing, the split decision of BAC, voting 3-2, declaring Smartmatic eligible to bid. It’s clear that on the matter of Smartmatic’s infirm SEC documents, the TWG was evenly split (7-7). How can the BAC see it as TWG passing the eligibility requirement of Smartmatic?” ayon kay Demata.

Magugunitang kinuwestiyon ng Indra ang legalidad ng partisipasyon ng Smartmatic sa bidding dahil batay sa kanilang SEC registration ay para lamang sa 2010 elections ang Joint Venture sa TIM.

Isa pang ebidensya sa eligibility ng Smartmatic na nadiskubre ng TWG ang kawalan ng tax clearance sa kanilang orihinal na dokumento. Nalaman ng TWG members na bagaman may kopya ng tax clearance ang Smartmatic ay hindi naman ito kasama sa kanilang original documents.

Alisunod sa procurement law sa kaso ng discrepancy ng documents/records,  iiral o mananaig ang original sa mga kopya.

Sinabi ni Demata na importante ang findings ng TWG kaya nagtataka sila kung bakit lumabas ang botong 9-5, gayong ang dapat mangibabaw ay tax clearance na wala sa orihinal na dokumento.

“We will definitely exhaust all legal means to have Smartmatic disqualified for violating the laws government procurement and corporations. Our legal team is also studying now the possibility of filing of cases against certain groups and individuals if the rule of law will be continuously ignored,” pagbibigay-diin ni Demata.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *