Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CHED Commissioner kinasuhan sa Ombudsman

121114 patricia licuananNahaharap sa kasong graft and corruption si Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Licuanan dahil sa ilegal na pagpasok sa kontrata sa isang pribadong kompanya.

Si Licuanan ay pormal na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ni Fr. Joel Tabora, SJ, pre-sident ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) at ng legal counsel na si Atty. Joseph Noel Estrada ng GE Law firm.

Ang reklamo ay base sa Memorandum of Agreement na may petsang April 21, 2014, na nag allocate ang CHEd ng P10 milyon sa PCS para sa pagtatag ng accrediting body na PCS-Information Computing Accreditation Board (PICAB).

Ipinahayag ng PAASCU, nilabag ng CHEd chair at ni Mr. Querubin ang  RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act partikular ang Sec. 3 (E) and (G).

Hindi umano sinunod ni Licuanan ang procurement law sa pagpasok sa MOA sa halagang P10 milyon mula sa salapi ng bayan.

Hindi rin umano kwalipikado ang PCS  sa nasabing serbisyo dahil hindi ito isang accrediting agency.

Nilabag ng opisyal ang umiiral na accrediting bodies sa ilalim ng Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP), kung kaya’t ang pagpasok ng  kontrata ay hindi makabubuti sa gobyerno at sa complainant.

Hindi nagbigay ng pahayag ang CHEd dahil pag-aaralan pa nilang mabuti ang inihaing kaso bago magbigay ng komento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …