Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Globe naghandog ng libreng tawag pabor sa OFWs

120914 globe libreng tawagNAGKALOOB ng Libreng Tawag ang Globe Telecom sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho mula sa walong (8) bansa sa Asia, Europe, Middle East at North America upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga pamilya na naninirahan sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Ruby.

Ayon kay Gil Genio, Globe Chief Operating Officer for Business and International Markets, ang OFWs mula sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore, Hong Kong, USA at Italy na pawang may mataas na bilang ng manggagawang Pinoy ay nabigyan ng pagkakataong kumustahin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Genio na ang pagtatalaga sa walong (8) bansa na direktang pinaglilingkuran ng Globe ang mga manggagawang Pinoy ay bahagi ng kanilang pag-agapay, partikular sa panahon ng kalamidad.

Nilinaw ni Rizza Maniego-Eala, Globe Senior Vice President for International Business na sa bansang Italya, ang libreng tawag ay isinagawa sa Globe stores sa Milan at Rome. Ini-offer naman sa pamamagitan ng Globe accredited retailers ang serbisyo para sa OFWs sa Spain, UK, Saudi Arabia, Canada, Singapore at Hong Kong. Sa US, isinagawa ang Libreng Tawag sa branches ng Seafood City sa west coast, samantala sa east coast ay via web sa pamamagitan ng subscribed access service ng Lunex.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …