Tuesday , December 24 2024

Allen Dizon, wagi na namang Best Actor sa International Filmfest

120814 allen dizonNANALO na naman si Allen Dizon ng Best Actor award sa katatapos lang na Hanoi International Filmfest. Nauna rito, napanalunan ni Allen ang Best Actor sa Harlem International Filmfest sa New York last September. Unanimous ang jurors sa Hanoi na kay Allen ibigay ang best actor trophy, kaya astig ka talaga Allen!

Parehong ang Magkakabaung (The Coffin Maker)na mula sa pamamahala ni Direk Jason Paul Laxamana ang entry ni Allen sa dalawang international filmfest na ito.

Sobra ang kagalakan ni Allen nang maka-usap namin. “Iba ang feeling ngayon, sobrang fullfilment ko as an actor. I can proudly say international award winning na ako at na-appreciate talaga nila ang Magkakabaung.

“Ang bibigat ng mga kalaban namin doon. Imagine, nominated din sa best actor ang sikat na British actor na si Ralph Fiennes na naging nominado sa Oscar para sa Schindler’s List at sa The English Patient.”

Si Ralph na kilala rin bilang si Voldemort sa tanyag na Harry Potter series ay naging nominado sa Hanoi International Filmfest para sa pelikulang Two Women.

“Sobrang saya naming lahat na naroon, ang producers naming sina Dennis Evangelista at Ferdie Lapus, plus ang family ko, my wife at mga anak ko-kasama na si Felixia. Siya ang gumanap bilang anak ko sa movie na namatay dahil nag-self medication kasi ako sa kanya, kaya siya namatay,” dagdag pa ni Allen.

Bukod kina Allen at anak niyang si Felixia, kabituin din sa Magkakabaung sina Gladys Reyes, Chanel Latorre, Emilio Garcia, at iba pa.

Aminado si Allen na dahil sa mga international awards na nakuha niya ay mas ganado siyang magtrabaho ngayon. “Yes, mas ganado akong gumawa ng pelikula ngayon. Siyempre, parang lalo akong na-challenge,” saad niya na ibinalita rin na this month ay magsu-shooting na sila ng Daluyong.

Ang Daluyong ay mula sa pamamahala ni Direk Mel Chionglo. Ito’y under ng BG Production International at kabituin niya rito si Diana Zubiri.

Bukod sa Magkakabaung, ang iba pang kalahok sa darating na MMFF New Wave Category ay ang Gemini, M (Mother’s Maiden Name), Maratabat, at Mulat. Ito’y mapapanood mula December 17-24, 2014 sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas

Abe Pagtama, enjoy sa US gag-show na Pan Plip Pridays

BAGONG show ng veteran Fil-Am actor na si Abe Pagtama ang Pan Plip Pridays na napapanood every other Fridays of the month sa Tate particularly sa Los Angeles, California sa KSCI Channel 18 tuwing 4 pm at sa KiKU sa Hawaii, tuwing 3:30 PM.

Nagkuwento siya ukol sa gag-show na ito. “Pun Plip Pridays is the 1st Fil-Am comedy skecth show, written, directed and acted by Fil-Am professional actors base in Hollywood, California. Yes I really enjoy doing this, working with very professional and very talented actors. We all have the same dream showcasing Filipino talents in a mainstream TV show in America,

“G. Toengi is very talented and a good leader putting all his connection and contacts in US to work on this projects.”

Si Sir Abe ay naka-base sa Los Angeles at pabalik-balik sa Pilipinas kapag may gagawing indie movie. Nagsimula siya bilang bit player sa mga indie project sa Amerika 25 years ago. Sa panahong iyon, nakalabas din siya sa ilang TV shows noong 80’s tulad ng Cagney & Lacey and Hunter at nakagawa ng ilang TV commercials na ang pinakasikat ay ang Pepsi na ipinalabas sa Super Bowl na nasaksihan ng higit 130 milyon viewers.

Nang magbalik siya sa acting profession, ginawa niya ang pelikulang Flip Side noong 1999 na umabot sa Sundance Festival. Sumunod ay ang The Debut na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Gina Alajar, Tirso Cruz III, at iba pa.

Nakasama siya sa pelikulang Constantine ni Keanu Reeves at napanood sa exorcism scene. Siya rin ang nag-voice over sa Filipino dialogue sa pelikulang Godzilla.

Sa local indie scene naman, ang mga nagawa niya ay The Diplomat Hotel, Sabine, Delikadesa, Rekorder, Longanisa, Nagpapanggap, Kamera Obskura, at iba pa. Ang pelikula nilang Rekorder at Kamera Obskura ay nanalo na sa iba’t ibang award giving bodies, both locally and internationally.

Bukod sa Pan Plip Pridays, nakatakda rin siyang maging abala sa shooting ng pelikulang Lumpia-2 with Fe delos Reyes. Pati na sa web series na pinamagatang Squin. Mula US ang mga nabanggit na proyektong ito ni Sir Abe.

Nonie Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *