TAKANG-TAKA ang kampo ni Heart Evangelista kung saan at paano napulot ng isang blogger ang umano’y pag-amin ng TV host-actress na nagtatampo siya sa GMA just because—between her wedding at ang kasal ng isang kapwa Kapuso actress—ay mas pinapaboran ng estasyon ang huli.
The blogger named MJ de Leon posted it on his Instagram account, was picked by another social media site hanggang maging ang ilang tabloid ay nakisakay na rin.
To validate, pinanood talaga namin sa You Tube ang interview kay Heart, where she was surrounded by more than a dozen bloggers na inimbitahan ng Startalk for its 19th anniversary episode. Tumagal ng 9:34 ang oras ng panayam na ‘yon, and nowhere in that video material did Heart in any way confess to harbouring grudges against GMA.
Hindi sa minemenos namin ang mga blogger even if this group ay tila co-equal na rin naming mga taga-print media. But basic journalism dictates that we stick to the truth, hence, factual reporting ang dapat umiral.
Ang masaklap, even Fashion Pulis.com had also subscribed to a totally false issue without checking its facts. As a result, puro bira ang inabot ni Heart from an Instagram post containing brazen lies! Ang siste, nakisawsaw ang ilang manunulat with their unfair, below-the-belt tirades.
Kung sabagay, this is a bunch of anti-Heart earthlings na kahit yata anong sabihin at gawing maganda ni Heart, they would rather dwell on the bad side of her character.
‘Yung MJ de Leon na ‘yon ang bukod-tangi lang yata from that group of bloggers ang tumingala sa kisame, nakakita ng butiking labas-masok ang dila, and voila, nakaimbento na siya ng ipo-post sa Instagram para nga naman bida siya!
Darling, I suggest you review your Journalism 101. Kung bano ka rin lang magsulat (which you obviously are!), go find another career that will complement your talent in hallucination!
Derek, naglaan ng oras para sa mga Yolanda victim
HIS recent visit to Eastern Visayas made Kapatid actor and Amazing Race Philippines host/race master Derek Ramsay realize how admirable ang mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Sa panayam ng InterAksyon.com, ani Derek, “Pagkakita pa lang nila sa akin, talagang parang maagang dumating ang Pasko sa kanila.”
Accompanied by Kapatid stars Akihiro Blanco, Nicole Estrada, at Empoy Marquez, Derek led a special program organized by TV5. Nagbigay din ang mga Kapatid star ng 300 rice buckets mula sa Alagang Kapatid Foundation, PLDT-Smart Foundation, One Meralco Foundation, at Philex Mining.
Si Derek din ang nanguna sa pamamahagi ng mga school kits para sa mga mag-aaral ng Pawing at Candahug Elementary Schools.
Hinikayat din ni Derek ang ibang mga artist na maglaan ng panahon sa mga nasalanta, “Sana gawin natin ang makakaya natin. They still need our help.”
Ronnie Carrasco III