Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rapist/holdaper na taxi driver arestado (La Salle coed biktima rin)

 

KALABOSO ang isang 31-anyos taxi driver na pinaniniwalaang responsable sa serye ng panghoholdap at panggagahasa sa mga babaeng pasahero, nang matunton sa kanyang bahay sa Maharlika Village, Taguig City kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District-District Intelligence Division.

Kinilala ni DID chief, Supt. Raymund Liguden, ang suspek na si Miguel Maranan, may-asawa, taxi driver, ng Maharlika Village, Taguig City. Maging ang minamanehong taxi ay dinala rin sa MPD headquarters na gagamiting ebidensiya sa paghaharap ng kasong kidnapping, robbery extortion and attemted rape.

Ayon kay Chief Insp. Randy Maluyo, inireklamo ng huling biktimang itinago sa pangalang Jenny, 19, estudyante ng De La Salle University, ang suspek sa MPD-Women and Children Protection Section.

Sa ulat ng biktima, nitong Disyembre 2, dakong 12:40 a.m. naganap ang insidente.

Sumakay ang biktima sa taxi sa Global City at naupo sa back passenger’s seat. Ngunit hindi niya napansin na may nakatagong lalaki sa harapang upuan katabi ng driver.

“Pagsakay niya, hindi niya napansin na may lalaking nakayuko sa unahan, nakatakip daw ng itim na bagay kaya hindi nakita. Eto ‘yung kasabwat ng driver, na target naming mahuli din,” pahayag ni Insp. Maluyo

Nang magdeklara ng holdap ay natakot ang biktima kaya bukod sa dalang bag at cellphone ay nagawa pang i-withdraw ang pera sa ATM.

Hindi pa nasiyahan sa nakuhang P6,000 cash mula sa ATM, dinala ang biktima sa Victoria Court sa Las Piñas City at doon siya hinalay ng suspek na si Maranan sa loob ng 10 oras bago siya pinakawalan.

“Nagpa-masturbate pa ‘yung taxi driver, ipinasubo pa raw sa kanya ‘yung ari tapos kung ano-ano ang ginawa sa katawan niya no’ng suspek,” pahayag ni Insp. Maluyo.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …