Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Give on Love on Christmas” Mainit na tinanggap ng TV viewers

 

Buong-pusong tinanggap ng mga manonood ang regalong Christmas TV special ng ABS-CBN na “Give Love on Christmas.” Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Disyembre 1), wagi ang pilot episode ng unang kwento ng “Give Love on Christmas” na pinamagatang “The Gift Giver” dahil sa nakuha nitong national TV rating na 12.9% Samantala, tiyak na mas mapapamahal ang mga manonood sa “The Gift Giver” ngayong natuklasan na ng mga anak ni Tatay Ernest (Eddie Garcia) na mayroon siyang malubhang sakit. Paano babaguhin ng kalagayan ni Tatay Ernest ang samahan ng kaniyang mga anak na sina Julie (Dimples Romana), Eric (Carlo Aquino), at Rose (Aiko Melendez)? Mahahanap ba ng magkakapatid sa kanilang mga puso na patawarin ang kanilang ama bago maubos ang panahon nito? Ang “Give Love on Christmas” ay Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating na TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.” Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Give Love on Christmas” tuwing umaga, bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Give Love on Christmas Day,” bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Twittter.com/DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …