Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen, mas mahalagang makapag-uwi ng tropeo galing ibang bansa (Kahit ‘di kinikilala ng Pinoy ang galing…)

ni Cesar Pambid

MAY bentahe na si Allen Dizon to win the Best Actor sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival.

Napanood ko sa Youtube ang dalawang version ng trailer ng Magkakabaung ni Paul Jason Laxamana at pinagbidahan ni Allen Dizon at mas lalong nasasabik akong mapanood ang kabubuan ng movie.

You see regional movie ito at karamihan ng mga dialogue ay in Kapampangan, and if you are one, tunay na makare-relate ka sa movie na ito.

Incidentally, kasali ang movie na ito sa limang finalist ng 2014 Metro Manila Film Fest New Wave category at ngayon pa lang marami na ang nagsasabing the movie is the one.

Already, this movie has won accolades sa dalawang international film festival, ang una ay Best Actor award ni Allen sa New York Harlem Filmfest at ang pangalawa ay sa Hanoi Filmfest.

Kaya nga during the presscon ng New Wave Fest, may mga opinyong may laban ang movie dahil nga bentahe na ‘yung mga award na naigawad na rito.

After the Q&A portion ng presscon, Allen was interviewed by some friends in the press at natanong sa maraming bagay tungkol sa movie.

Unang-una, mismong kay Allen galing na labis niyang ikinatuwa ‘yung dahil sa movie kinilala ng buong daigdig ang kanyang husay bilang aktor. “I hope ma-realize nating lahat that this is more for the Philippines at ipinagmamalaki kong ako ay isang Pinoy,” sabi pa niya.

Ramdam ba niyang kinikilala ng mga Pinoy ang kanyang kakayahan?

“Ang mahalaga, kinilala ng mundo sa dalawang international filmfest ang kakayahan ko. Maybe nakita nila na karapat-dapat ako kaya ako ang ginawaran nila. Sa akin, malaking bagay kaya nagpapasalamat ako at naibigay sa akin ang role na ito. Sana, mapangatawanan ko ito maging sa mga susunod na gagawin kong pelikula.

“Sa tanong kung ramdam ko na kinikilala ang kakayahan ko rito, hindi na ‘yun mahalaga ngayon. Sa sarili ko, I am deeply honored na may mga naiuuwi akong karangalan dahil sa movie na ito.”

 

INSPIRASYON ANG ANAK

Ano ba ang naging motivation niya at napakagaling ng feat niya sa movie niyang Magkakabaung?

“Siguro puwede kong ipagmalaki na na-inspire ako sa anak ko. Siya kasi ang gumanap bilang anak ko sa pelikula, at ‘yun ang matinding motibasyon ko. Puwedeng sabihing naka-relate ako sa role ko dahil mismong anak ko ang nakasama ko.”

Does that mean na payag siyang mag-artsita ang mga anak niya?

“Why not. My children are now 12, 9, 6 and 1 are still in school. Pagkatapos nilang mag-aral, payag ako, basta malinaw na mas priority ang school. Si Felicia, nakuha rito sa movie, kasi gusto ni direk na makakuha ng isang batang wala pang experience, so we suggested my daughter. Bilib nga ako sa kanya, sa true hindi naman Kapampangan speaker ang anak ko pero namemorya niya ang dialogues at ‘pag pinanood n’yo ang movie makikita niyo na sumabay naman siya sa aktingan.”

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …