Thursday , June 4 2026

Areas na tatamaan ni Ruby tutukan (Atas ni PNoy sa gov’t agencies)

120414 RUBYINATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang mga lugar na maaaring tamaan ng pananalasa ng bagyong Ruby.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang direktiba ng Pangulo sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay alertuhin ang local risk reduction councils upang ganap na makapaglatag ng pangunahing paghahanda sa banta nang pagtama ng bagyong Ruby.

Nananatili aniya ang panuntunan ng Punong Ehekutibo na matamo  ang layuning zero casualties.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), papasok ang bagyong Ruby sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga.

Animnapung porsiyento (60%) ang tsansa na magla-landfall sa Eastern Visayas si Ruby sa Sabado ng hapon o gabi o sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …