LIMANG pelikula ang nakapasok sa taunang Metro Manila Film Festival New Wave Full Feature film category. Mula sa 18 entry na nagsumite, lima lamang ang nakapasa. Ito ay ang M (Mother’s Maiden Name, Magkakabaung (The Coffin Maker), Maratabat (Pride and Honor), Mulat, at Gemini.
Sa mga teaser na ipinakita sa amin, masasabi naming may karapatan ang limang entry para makasama sa New Wave category. Pero dedepende pa rin ito sa mga manonood.
Ang Gemini ay mula sa direksiyon ni Ato Bautista at pinagbibidahan ni Mon Confiado kasama ang magkapatid na Sheena at Brigitte McBride. Sinasabing si Ato ay isa sa exciting filmmaker ngayon dahil hinangaan ang kanyang debut movie na Sa Aking Pagkakagising Mula sa Kamulatan (Awaken) na umani ng papuri mula sa local at international. Ang kanyang entry na Gemini ay ang kanyang ikawalong pelikula na isang psychological-drama-thriller.
Ang M. (Mother’s Maiden Name) naman ay idinirehe ni Zig Dulay na pinagbibidahan nina Nico Antonio at Zsa Zsa Padilla.Tribute raw ni Dulay ang M sa kanyang namayapang ina na si Ester Dulay na namatay sa sakit na kidney. Si Zig din ang nagdirehe ng pelikulang Huling Halik (The Last Kiss) na naging entry sa NETPAC,2014 Cinemalaya Film Festival.
Marami-rami na ring Kapampangan short films at music videos naman ang nagawa ng director ng Magkakabaung (The Coffin Maker) na si Jason Paul Laxamana. Rito sa pelikulang ito kinilala ang galing ni Allen Dizon sa Harlem International Filmfest at sa Hanoi Filmfest. Bago ito’y kinilala rin ang galing ni Laxamana sa Astro Mayabang at Babagwa. Ang Magkakabaung ay ukol sa isang amang nagtatrabaho sa pagawaan ng kabaong na aksidenteng napatay ang walong taong gulang na anak dahil sa maling paggagamot.
Idinirehe naman ng veteran at multi-awarded journalist na si Arlyn dela Cruz angMaratabat na inspirasyon sa paggawa nito ang kanyang journey bilang isang journalist. It depicts warring clans and the quest for justice ang tema ng pelikula. Ito’y pinagbibidahan ni Ping Medina.
Mula naman kay Maria Diane Ventura ang Mulat (Awaken) na pinagbibidahan nina Jake Cuenca , Ryan Eigenmann, at Loren Burgos. Ito’y istorya ni Sam, isang babaeng nangangarap mahanap ang tunay na pag-ibig habang nakikipaglaban na magkaroon din ng normal na buhay dahil sa kanyang schizophrenic tendencies. Bago naging director, isa munang producer si Diane na kinilala ang galing sa pagsusulat ng music videos. Siya rin ang nagdirehe ng The Rapist na kinilala bilang Most Popular Films andBest Short Films in Asia .
Ang limang New Wave entry ay mapapanood simula December 17 hanggang 24 sa Glorietta 4 at Sm Megamall cinemas.
ni Maricris Valdez Nicasio