Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Lego Santa and sleigh ibinida sa London

BILANG pagdiriwang sa Holiday Season, ibinida ang Lego Santa, na may kasamang sleigh, isang sako ng mga regalo at siyam na reindeer, pawang yari sa 750,000 bricks, sa Convent Garden ng London.

 

IBINIDA ang Lego Santa, na may kasamang sleigh, isang sako ng mga regalo at siyam na reindeer, pawang yari sa 750,000 bricks, sa Convent Garden ng London.

Umabot ng 32 araw ang pagbubuo sa obra maestra ng tanging professional Lego builder ng Britain, na si Duncan Titmarsh.

“We’ve packed a few spare antlers too, just in case,” pahayag ni Mr.Titmarsh sa The Guardian.

Ang sleigh at crew nito ay idinesenyo at binuo ng team sa pangunguna ni Mr. Titmarsh, isa sa 13 accredited full-time Lego professional builders sa mundo.

Natanggap ni Mr. Titmarsh ang kanyang unang set ng Lego sa gulang na 4-anyos, at nagumon na rito, at ang obsesyon ay tumagal hanggang sa magkaroon na siya ng interes sa mga dalagita noong siya ay binatilyo na.

Ngunit ang kanyang misis na si Sharon ang naghikayat sa kanya na bumili ng helicopter kit na nakita niya sa shop kaya nabalik ang kanyang landas sa Lego.

Sumali si Mr. Titmarsh sa local adult Lego modellers’ club at kalaunan ay nahilingan na gumawa ng special pieces para sa birthday party at mga presentasyon.

Hanggang sa matuklasan niyang marami na siyang natatanggap na building Lego jobs kaysa kanyang ‘proper’ job bilang kitchen fiter kaya nagdesisyon nang magpaka-propesyonal sa Lego.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 15 full-time staff, at dumarami na rin ang isinasagawang major projects katulad ng sleigh. (ORANGE QUIRKY NEWS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …