Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Urban Poor Solidarity Day inilunsad ng Muntinlupa

120314 muntinlupaBILANG bahagi ng Christmas month-long celebration, nakiisa ang Muntinlupa sa pagdiriwang ng taunang Urban Poor Solidarity Week (UPSW) sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Presidential Proclamation No. 367, series of 1989, nagdedeklara sa Disyembre 2-8 kada taon bilang UPSW ng bansa.

Inilunsad ng Urban Poor Affairs Office – Muntinlupa ang Urban Poor Solidarity Day, sa tema ngayong taon na “Makabuluhang Pag-uusap at Pagututulungan, Pundasyon Tungo sa Tuwid na Daan” (well-founded dialogue and collaboration as foundation towards right path) sa Disyembre 4 sa City Hall Quadrangle.

Ang pagdiriwang ng Solidarity Day ay nagsusulong ng pagkakaisa, diyalogo at collaboration sa government, non-government agencies at urban poor communities sa mga programa at mga proyekto para sa pagpapahupa ng kahirapan sa mga lungsod.

Naglaan si Mayor Jaime Fresnedi ng platform para sa bawat urban communities sa Muntinlupa para makibahagi sa mga programa ng local government para sa kanilang paglago.

Sinisikap ni Fresnedi na sa pagtahak sa landas ng paglago ay kasama ang lahat at walang maiiwan na Muntinlupeño.

Dadaluhan ni Presidential Commission for the Urban Poor chairman Hernani Panganiban ang nasabing pagdiriwang kasama si Congressman Rodolfo “Pong” Biazon.

Maraming mga aktibidad ang inihanda para sa mga miyembro ng urban poor communities sa isang araw na pagdiriwang katulad ng raffles, recognition ng lot titles, CMP efficiency, at ang paligsahan para sa ‘Mr. and Mrs. UPSD 2014.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …