MAHIGIT P70, 000 cash at dalawang cellphone ang natangay ng dalawang hindi kilalang magnanakaw nang pasukin ang isang lotto outlet kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Base sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Melchor Reyes dakong 9 p.m. nang looban ng mga suspek ang lotto outlet na pag-aari ni Honey Grace Bunales, 31, sa 1 Mars St., Sun Valley Drive, Airoville NAIA, Pasay.
Ayon kay Joena Almazon, teller, isinara niya ang lotto outlet ngunit iniwan niya ang P70,000 cash sa drawer kasama ang dalawang cellphones at umuwi sa kanilang bahay sa Fourth State, Sucat, Paranaque City.
Kinabukasan, dakong 8 a.m. sa pagpasok ni Almazon ay natuklasan niyang pinasok ng magnanakaw ang kanilang tanggapan dahil sa nawawala na ang perang kanyang iniwan at dalawang cellhpone sa drawer.
Sa imbestigayon ng pulisya, nabatid na pumasok ang mga magnanakaw sa lotto outlet sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na rehas malapit sa bintana.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad habang inaalam kung may nakalagay na close circuit television (CCTV) camera upang mabatid kung nahagip ang insidente.
Manny Alcala