Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘di nag-alangang sumabit sa Starex, ‘wag lang sumabit ang sasakyan

NATUWA kami sa ibinalita sa amin tungkol kay Sam Milby noong Sabado ng hapon habang pumapasok daw sa parking lot ang Starex van niya sa Ayala Fairview Terraces ay nakitang nakasabit ang aktor sa labas ng pintuan para i-check kung sasabit ang bubungan ng sasakyan niya dahil mababa ang ceiling ng parking lot.

Nag-alangan daw si Sam kaya sinabihan niya ang driver niya na dahan-dahan silang pumasok sa Ayala Fairview Terraces parking lot.

Natatawa ang mga nakakita dahil parang hindi raw artista si Sam kasi wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon samantalang ‘yung ibang artista ay ibinibilin sa mga kasama o driver.

“Sobrang humble ni Sam, parang hindi artista,” sabi sa amin.

Wala ring nagawa ang marshalls na sumundo kay Sam nang iabot mismo ng aktor ang kamay sa mga gustong makipag-kamay sa kanya habang papasok ng mall.

As of this writing ay pawang mall shows ang pinagkakaabalahan ng singer/actor at paghahanda sa bagong album mula sa Star Records at shooting ng pelikulang Ex with Benefits kasama si Coleen Garcia mula sa direksiyon ni Gino Santos produced ng Skylight Films.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …