Saturday , November 23 2024

Ba’t kaya umusok ang tenga ni Ingco?

00 aksyon almarLUMANTAD na at ibinigay ni Joseph Russel Ingco na inakusahang nambugbog ng traffic constable ng MMDA. Hindi ko kakilala ang mama pero dapat siguro na irespeto natin ang kanyang pa-nig.

Bagamat, sino nga ba ang nagsasabi nang totoo sa dalawa, si Ingco ba o si MMDA Traffic Constable na si Jorbe Adriatico?

Kung totoo man ang mga pinagsasabi ni Adriatico hinggil sa akusasyon niya kay Ingco, ang malaking katatungan diyan …ano kaya ang nagtulak kay Ingco para ganoon na lamang ang kanyang reaksyon laban sa constable.

Hindi naman siguro bigla na lamang iinit ang ulo ni Ingco kung walang naging dahilan. Ano ang naging mitsa para umusok ang tenga ng mama.

Hindi kaya siya na-povoke kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksyon. Isa pa, paalis na ang mama matapos ang lahat pero anong ginawa ni Adriatico? Sinundan pa niya ang papaalis nang si Ingco at hinarang pa ang daanan nito.

Ang tanong, bakit pa kailangan pa kasing sundan para hamunin ni Adriatico si Ingco. Hayun ano tuloy ang nangyari, basag ang kanyang ilong.

Hindi naman pinabulaanan ni Ingco ang kanyang pananakit pero tila hindi raw naiwasan para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Si Adriatico na basag ang ilong, aniya’y trabaho lang ang lahat ng kanyang ginawa at hindi na raw iginalang ang kanyang uniporme. Wala raw siyang ginawa naman na ikinagalit ni Ingco.

Hinamon at ipinaulit lang naman niya raw kay Ingco ang “dirty finger” pero anong nangyari? Bugbog-sarado ang kanyang mukha kay Ingco. Lamang sir Ingco, wala kayong karapatan para saktan si Adriatico. Ngunit sabi ni Ingco, ipinagtanggol lang niya ang kanyang sarili at napilitan na siya para sa kanyang seguridad.

Pero sana kung hindi na siguro pa sinundan ni Adriatico sa kabilang linya ng kalsada si Ingco para hamunin, marahil ay buo pa ang kanyang pagkagandang lalaki.

Ang magkabilang panig ay kapwa nagsampa ng kaso sa isa’t isa.

Pero ano itong isa pang biktima ni Adriatico na lumantad, isang babae naman. Binastos daw siya ni Adriatico matapos na hingan ng assistance. Pinagsabihan niya raw ang babae ng masasamang salita at saka dumura pa sa kalye.

Siyempre, sa panig naman ni Adriatico, kanyang pinabulaanan ang akusasyon. Naturalmente, alangan naman aminin ni Adriatico. He he he…

Hindi naman natin sinasabing nagsisinunga-ling ang constable kundi irespeto na lamang natin ang kanyang panig gayon din si Ingco.

Napag-usapan na rin lang itong mga MMDA constable.

Sa totoo lang napakarami sa kanila ang feeling pangulo ng bansa gamit ang pansamantalang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa kanilang ng MMDA.

Kung umasta sa lansangan ay hari ang tu-ring sa kanilang sarili. Oo nagiging hari na rin sila ng pangongotong sa mga motorsita. Hindi naman kaya, tulad ng sinabi ko, hindi naman lahat ng constable ay ‘hari’ mayroon din naman matitino.

MMDA Chairman Francisco Tolentino, pa-sadahan mo ang mga tauhan mo sa Commonwealth Avenue, QC. Kotongan blues ang lakad ng ilan sa kanila lalo na itong laging nakasilong sa ilalim ng Commonwealth fly-over ng Katipunan-Luzon.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *