07HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na ipagpaliban muna ang Sangguniang Kabataan (SK) elections para maiwasan ang paggastos ng milyong pondo.
Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, kailangan aprobahan ang House Bill 5209 para maging full blast ang paghahanda sa SK elections.
Giit ng opisyal, kailangan na nilang malaman kung matutuloy o hindi ang halalan para sa bidding process ng election materials para sa February 2015 electoral exercise.
Aniya, magsasayang lamang sila ng pera kapag bibili sila ng election materials ngunit hindi matutuloy ang halalan.
Aabot sa P300 hanggang 400 milyon ang inilaang pondo ng Comelec para sa SK polls sa Pebrero 21.