Saturday , November 23 2024

‘Pangako’ ng mga pul-politiko

USAPING BAYAN LogoUMUUSAD ang panahon at nagpalit-palit na ang mga pul-politikong nakaluklok sa poder pero ang mga suliraning kinakaharap natin bilang mamama-yan ng kawawang bansang ito ay nananatiling pareho pa rin.

Kahirapan, krimen, kawalan ng trabaho, kawalan ng presensya ng pamahalaan, trapik, polusyon, droga at ang pagwawalanghiya ng tao sa kapwa ang mga istoryang palagiang matutunghayan sa mga pahayagan o kapaligiran araw-araw. Tila hindi umuusad ang panahon.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang mga pul-politiko sa kanilang kasuka-sukang gawain. Pa-ngako rito, pangako roon, mga pangakong wala naman kinahihinatnan. Ilang pul-politiko na ang nangako sa inyo ng mabuting buhay, trabaho, kapayapaan sa komunidad, at katarungan? Ilang beses na rin kayong nabigo sa inyong pag-asa sa mga pul-politikong ito?

Ang katotohanang ito ay patunay lamang na ang kapakananan nating maliliit ay ating makakamtan lamang sa pamamagitan ng ating sariling sikap at pagkakaisa. Hindi mula sa awa o tulong ng mga pul-politiko.

Kailangang magkaisa tayo at sumapi sa mga organisasyon na nagtataguyod ng interes ng pangkalahatan. Tanging sa ating pagkilos at pag-oorganisa lamang makakamtan ang tunay na biyaya.

* * *

Ang mga abusadong driver lalo na ‘yung mga sangkot sa pambubugbog ng mga traffic enforcers ay hindi dapat tapunan ng awa o simpatya bagkus dapat ay kondenahin hanggang makita nila ang kanilang pagkakamali. Tanging mula roon lamang natin sila maaaring unawain. Ganito rin naman ang dapat na trato sa abusadong traffic enforcers.

* * *

Sino ba ang mga konsehal ng Kyusee na na-ngako sa mga taga-NIA Village sa barangay Sauyo na patatayuan nila ng police outpost at palalagyan ng pulis ang nasabing komunidad kapalit ng pagpayag nila na maitayo roon ang Sauyo High School building.

Naging magulo sa nasabing lugar dahil na rin sa kabiguan ng mga konsehal na panindigan ang kanilang mga pangako. Puro lang pala kayo pa-ngako pero lahat ng sinasabi ninyo ay napapako. Sa mga susunod na labas ng ating kolum ay papangalanan natin sila.

Kaugnay nito ay tinatawagan natin ang pansin ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista para gumawa nang mga hakbang upang sawatain ang malaganap na bilihan ng droga (shabu) sa kapaligiran ng Sauyo High School.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Bardong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *