Saturday , November 23 2024

Kastiguhin si Gunban ng BoC!

ILANG mga trusted men ni BOC Deputy Commissioner Jesse Dellosa ang subject ngayon ng isang organisadong ‘demolition job’ dahil sa nabukong katarantaduhan ng isang Gunban na sinasabing siyang ‘patong’ sa kilalang smugglers sa Aduana.

Nangunguna sa listahan na target ng isang grand demolition job si Capt.Cabading, kasama rin at pangunahing subject   sina Col. Alcudia, Troy Tan at Oca Tibayan.

Forum shopping din ang pagsusumbong na ginagawa laban sa mga tauhan ni Gen. Dellosa dahil bukod sa Ombudsman, nakararating din ang ‘white papers’ laban sa Dellosa’s men sa Malacañang at sa ibang media entities.

Nais palabasing ‘patong’ ang mga tauhan ni Dellosa sa talamak na smuggling sa BOC ngunit ang totoo, ang grupo ni Dellosa ang pinagkakatiwalaan ng importers at iba pang players sa Aduana laban sa pangongotong sa kanila ng ibang units at opisyal ng Customs.

Isa na nga rito ang grupo ng isang Gunban na inirekomenda ni Gen. Dellosa na itapon sa CPRO ng Department of Finance.

Nagbigay din ng koryenteng impormasyon ang grupo ni Gunban sa Intelligence Group (IG) ni Gen. Dellosa patungkol umano sa cargo ni David Tan na naglalaman ng illegal drugs. Sa pagrerekisa ng IG, negative ang info na feed ni Gunban.

Kung ano mang hiwaga mayroon si Gunban ay hindi pa rin maarok ng intel group ngunit sa pagkakaalam natin, malalim siya dahil konektado sa isang alyas KRIS AQUINO na namesake ng presidential sister.

Si KRIS AQUINO ay may mga koneksyon umano sa mga santo-santito sa Malacañang.

Hindi birong isyu ito na dapat pagtuunan ng pansin ng leadership ng BOC dahil droga ang sangkot na kontrabando.

Marapat na rin makialam sa isyu ang PDEA na pangunahing ahensiya na may hurisdiksiyon sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi lamang dapat ilagay sa ‘floating status’ si Gunban kundi arestuhin na para makapagbigay nang mas malinaw na pahayag.

Kung korynte man ang inilalako niyang impormasyon, dapat din kastiguhin at tuluyang alisin sa serbisyo sa Customs for peddling wrong information.

Kasiraan ito sa intel network ng ating pamahalaan. Sinusunog din nito ang kredibilidad ng isang lehitimong negosyante.

Kung sino man ang nagsisilbing padrino ni Gunban ay dapat din ibunyag at imbestigahan. Hindi birong magkanlong ng isang taong katulad ni Gunban.

Ilang nagpapakilala na ‘bagmen’ ang ipinahuli at iniimbestigahan ng IG. Kabilang na ang isang alyas “Maj. Aquino” na kinastigo na rin ni Gen. Dellosa.

Marami pa ang tiyak na masisilo kapag hindi nagpaawat ang mga dorobo sa kanilang nakasanayang diskarte.

Pangako ni Gen. Dellosa sa maigting niyang hangaring linisin ang Customs mula sa mga dorobong opisyal at nagpapakilalang tauhan niya.

Susubaybayan natin ang isyung ito hanggang sa pinakadulo.

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *