Saturday , November 23 2024

Bagong obispo ng IFI

USAPING BAYAN LogoMAY bagong obispo ang Diyosis ng Kalakhang Maynila ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa katauhan ni Rt. Rev. Bartolome Esparter matapos siyang mahalal sa posisyon kamakailan.

Si Obispo Espartero ay may doctorate sa kursong Divinity at siyang ikatlong Obispo Diyosesan ng Kalakhang Maynila. Pinalitan niya si Obispo  Gregorio De los Reyes, anak ng tagapagtatag ng simbahang IFI na si Isabelo De los Reyes.

Sinabi ni Espartero, matapos siyang ihalal ng mga nagsisiksikang mananampalataya sa loob ng U.P. Parish of the Holy Cross ng IFI, na gagawin niya ang lahat upang mapalakas at mapalawak ang mga kasalukuyang parokya at misyon ng Diyosis. Kasabay nito ay naki-usap siya sa mga mananampalataya na tulungan siya sa ikapagtatagumpay ng kanyang misyon bilang alagad ng Diyos.

Itinatag ang IFI (na kilala rin sa taguring Aglipay) noong 1902 ng mga kasapi ng Unyon Obrero Democrata, isang malawak na kilusang paggawa na itinatag at pinamumunuan ng sosyalistang si Isabelo de los Reyes. Mula noon ay nakilala ang IFI bilang “Simbahan ng mga Dukha.”

Ang unang Obispo Maximo ng IFI ay si Gregorio Aglipay, isang dating pari ng Romano Katoliko na nanguna sa pakikibaka para sa Filipinisasyon ng simbahang Romano sa Pilipinas. Ang IFI ay buhay na bunga ng pakikibaka ng ating mga ninuno laban sa panghihimasok ng mga dayuhan. Ang mga unang kasapi nito ay beterano ng Himagsikang 1896 ni Andres Bonifacio at digmaang Filipino-Amerikano.

* * *

Nakalulungkot na inuunti-unting ubusin ang mga kabundukan sa Antipolo ng mga dambuhalang kompanya na sinasabi ng mga tagaroon ay isinu-supply para makapagtayo ng mga dambuhalang shopping malls.

Ang ilan bundok pa nga roon na nakatakdang durugin ay binabantayan na ngayon ng mga sekyu upang makatiyak ang mga ganid na may-ari nito na hindi na pamamahayan pa ng maliliit na tao. Dahil dito ay napakaalikabok ngayon ng bahaging ito ng Antipolo, lalo na ‘yung papunta ng Paenaan. Bukod pa ito sa maiitim na usok na ibinubuga ng mga pampasaherong jeep na daig pa ang mga pangarerang sasakyan sa tulin.

Maya-maya ay humahagibis rin ang malalaking trak na may dalang lupa at bato, walang pakialam kung makasagasa o makaaksidente sila. Haay hindi natin alam kung bakit pinababayaan ng pamahalang pang-lungsod ang ganitong kalakaran.

Ang pagkawala ng mga bundok ang dahilan ng pagkamatay ng mga halaman at hayop na nagiging dahilan naman kung bakit binabaha ang Kalakhang Maynila sa panahon ng delubyo. Makonsensya naman kayo sa ginagawa ninyo laban sa inang kalikasan.

* * *

Ibig ko lamang ituwid ang naisulat ko sa unang kolum ko. Hindi pala tanggapan ng Manila Water ang kumuha ng isang linya ng Katipunan Avenue kundi tanggapan ng LWUA. Ang aking paumanhin sa pagkakamali. Haaay

* * *

Kung ibig ninyo nang mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Bardong Embroidery  sa Vanesa Homes,  Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *