Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga fans nina kim at xian sa visayas at mindanao nagpanic! (Naantalang showing ng Past Tense dahil sa bagyo palabas na ngayon)

112814 xian kim aiai

00 vongga chika peterPagkatapos dumugin ng fans sa kanilang mall show sina Kim Chiu at Xian Lim kasama si Ai Ai delas Alas.

Last Tuesday ay libo-libong tagahanga rin ang dumagsa sa SM Megamall Cinema para mapanood ang premiere night ng latest movie ng iniidolong love team na “Past Tense.”

Grabe ang tao, jampacked talaga ang sinehang pinagtanghalan ng red carpet premiere ng pelikula ng Star Cinema. Muling pinatunayan nina Kim at Xian na after ng blockbuster movies nilang Bakit Di Ka Crush Nang Crush Mo at Bride For Rent ay marami talaga ang nagmamahal sa kanila na ngayon ay todo-todo ang suportang ibinibigay sa kanilang latest film. Ang magandang news na tinanggap ng buong cast, Rated G o General Patronage ang ibinigay ng MTRCB sa Past Tense ibig sabihin puwede ang pelikula sa mga bata. Kasi naman wholesome naman talaga ‘yung movie kaya nakagugulat nga at bakit dalawang beses na-X ang trailer nito. Nasa script ‘yung landian scene ni Ms. Ai kay Xian na cute ang dating kaya kita n’yo naman pwedeng mapanood ng buong pamilya. Si Kim naman mas nag-level pa ang pagiging kikay o komedyante sa pelikula. Sina Xian at Daniel Matsunaga naman ay katili-tili rin dito na bukod sa mga guwapo na ay mapapa-wow ka sa kanilang magagandang body. Kaya for sure sila ang pagkakaguluhan ng mga bading at matrona. Palabas na ang Past Tense sa over 150 theaters nationwide at araw-araw ay pahaba nang pahaba ang pila sa bawat sinehan na pinagtatanghalan nito. Samantala kahapon ay binulabog ang Star Cinema ng mga booker nila sa Visayas at Mindanao. Nagkaroon kasi ng aberya kaya naantala at hindi naipalabas sa maraming sinehan sa lugar ang Past Tense kaya naman marami ang nalungkot na fans nina Kim, Xian at Ms. Ai. Narito ang ipinadalang mensahe ng ADPROM Manager ng Star Cinema na si Sir Mico del Rosario, “Dahil sa ilang teknikal na suliranin at sa kondisyon ng panahon, hindi nakarating ang materyal ng pelikulang PAST TENSE sa mga sinehan sa Visayas at Mindanao dahilan para hind maipalabas kanina (noong Nobyembre 26). Simula bukas (Nobyembre 27) ay sinisiguro ng Star Cinema na maipalalabas na ang pelikula sa mga sinehan sa buong Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagsuporta.”

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …