Monday , December 23 2024

Hirit ng China na ‘palayain’ ibinasura ng Palasyo (Sa 9 Chinese fishermen)

112814 chinese fishermenIBINASURA ng Palasyo kahapon ang hirit ng China na “unconditional release” sa siyam Chinese fishermen na sinentensiyahan ng hukuman sa Palawan sa kasong poaching sa Hasa-Hasa (Half moon) Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., na kahit sapat na ang panahon na ginugol sa bilangguan ng mga Tsinong mangingisda ay hindi sila maaaring palayain at pabalikin sa kanilang bansa hangga’t hindi nakapagbabayad ng multa na bahagi ng hatol sa kanila ng hukuman.

“According to the Department of Justice, through Prosecutor General Claro Arellano, they have already served the penalty of subsidiary imprisonment for the offense of poaching and for the possession… For the offense pertaining to possession of endangered species, the court imposed a penalty of payment of fines. Upon payment of the fines, they are deemed to have served the penalty fully, and there is no further impediment for them to leave the country,” ani Coloma.

Batay sa hatol ni Puerto Princesa City Regional Trial Court Branch 51 Judge Ambrosio de Luna, inutusan ang siyam Chinese fishermen na magbayad ng multang $100,000 (P4.3 milyon) bawat isa para sa kasong poaching at P120,000 ($2,666) bawat isa para sa illegal na pagkuha ng sea turtles sa Hasa-Hasa Shoal noong nakalipas na Mayo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *