Friday , May 3 2024

Feng Shui: Alisin ang kalat para sa malinaw na pag-iisip

00 fengshuingANG Feng Shui ay hindi lamang tungkol sa pag-aalis ng mga kalat, kundi sa maraming bagay, nakatutulong din ito sa clear-thinking at pagpapanatili sa focus sa iyong mga adhikain. Saan ka magsisimula? Magugulo ang iyong isip sa pagtingin lamang sa mga kalat maliban na lamang kung magbubuo ka ng action plan para ayusin nang isa-isa ang space. Narito ang limang tips:

*Magsimula sa kusina – Inasahan mo bang may mahuhulog na bagay sa tuwing bubuksan mo ang iyong kitchen cabinets. Maglaan ng panahon sa pagsasaayos ng mga gamit at i-reorganize. I-tsek ang expiration dates at itapon ang hindi na mapakikinabangan.

*Mag-focus sa home office – paano mo mahaharap nang maayos ang trabaho sa iyong mesa kung ito ay puno ng mga kalat? Gamitin ang katulad na approach sa kitchen, itapon o ibasura ang shred junk mail, expired coupons, catalogs at lumang magazines.

*Gumawa ng maliit na library. I-evaluate ang iyong mga aklat sa iyong home library katulad ng pag-evaluate mo sa ibang items sa bahay. Ginagamit mo ba ang mga ito nang madalas. Nasisiyahan ka ba sa mga ito? Ang mga aklat na ginagamit mo bilang reference, o aklat na paulit-ulit mong binabasa at nagpapangiti sa iyo, ang nararapat na magkaroon ng lugar sa iyong shelf. I-donate na lamang ang ibang mga aklat sa mga taong maaaring mapakinabangan ang mga ito.

* Go for a photo finish. Ang mga larawan katulad ng mga aklat, ay dumarami. Ang piles ng mga larawan na kailangang ilagay sa album, o ang photo albums na nasisira na, ay nagbubuo ng emotional and physical clutter sa iyong kapaligiran. Suriin ang mga larawan, itapon ang duplicates, at hindi mainam o malabong mga larawan.

*Magbuo ng sankwaryo sa banyo – simulan sa iyong make-up drawer at medicine cabinet. Ang unang hakbang ay alisin ang mga kalat, kabilang ang toiletries, make-up, perfumes at lotions na hindi na ginagamit lalo na ang mga expired na. Makabubuti ring itapon na ang expired na mga gamot upang hindi na magamit pa.

 

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Krystall herbal oil Fur-baby Dog

Fur-baby hiyang din sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *