Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Finals ng PCCL sisiklab ngayon


112714 PCCL

MAGSISIMULA mamayang alas-4 ng hapon ang best-of-three finals ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na paglalabanan ng defending champion De la Salle University at ang kampeon ng NCAA na San Beda College sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang nakapasok ang Green Archers sa finals pagkatapos na walisin nila ang Group A na may apat na sunod na panalo habang nanguna ang Red Lions sa Group B na may tatlong panalo at isang talo kontra La Salle, 61-56.

Pangungunahan nina Jeron Teng at Ben Mbala ang atake ng La Salle samantalang ang San Beda naman ay inaasahang babanderahan nina Ola Adeogun, Art de la Cruz at Baser Amer.

Sa 87-68 panalo ng Red Lions kontra Arellano University noong Martes upang makuha ang puwesto sa finals ay humataw si De la Cruz ng 20 puntos at 10 rebounds samantalang gumawa si Amer ng 16 puntos at anim na assists.

“Sabog ang opensa namin against La Salle. Na-outplay ni Mbala si Ola,” wika ni interim SBC coach Adonis Tierra. “Pero sinabi ni Ola na babawi siya sa finals. Pinag-uusapan pa namin kung paano makontrol si Mbala.”

Ang Game 2 ng finals ay gagawin sa Lunes, Disyembre 1 at kung kinakailangan, ang Game 3 ay gagawin kinabukasan sa Ynares Pasig pa rin.

Ang labanan para sa ikatlong puwesto na paglalabanan ng University of San Carlos at University of Visayas ay gagawin sa Lunes, alas-2 ng hapon.

“We reset the battle for third to Monday so that we can have enough time to book a flight for the two Visayan teams to come to Manila and for them to prepare for this game,” ani PCCL commissioner Joe Lipa. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …